Chapter 79: Three Years Ago
Summer's POV
Andito kami sa lobby ng Mendez Corporation. Halos lahat ng nandito ay napaka-pormal. Tahimik kaming nakaupo sa isang mahabang sofa nila Jordan, Lance, Althea, Cristina, Ivan at Luke. Wala sina Lorenz at Kris kasi may family matter silang inatupag sa ibang bansa.
Ilang oras na kami naghihintay dito pero hanggang ngayon di pa namin pwedeng kausapin si Shannelle.
"Late tong mga to." sabi ni Kai habang nakatingin sa Entrance.
Pumasok dun sina Catteleya, Thyrone, Jillianna, Jade, Charles at Vince.
Tumayo naman kami at sinalubong sila.
"Sorry nalate kami, kinontak pa kasi namin yung iba."
"Bat wala yung tatlo?" tanong ni Ivan.
"Sina Catherine at Dwayne asa ibang bansa, si Brian may family reunion sila at bawal siyang mawala dun." paliwanag ni Vince.
"Sige upo muna kayo. Kanina pa kami dito." sabi ni Cristina.
"Teka nga at itatanong ko." tumayo si Thea lumapit sa information desk.
Althea's POV
"Excuse me miss. I'm Athea Lopez, itatanong ko lang kung maaari na ba namin makausap si Miss Mendez?" tanong ko saka ngumiti.
"Her secretary is on the way to lead the way ma'am." tumango-tango ako saka bumalik sa grupo.
"Parating na raw yung secretary." sabi ko sa iba.
"Good Afternoon Ladies and Gentlemen. Sorry for waiting, the Queen is ready to meet you. This way please." sumunod agad kami.
Sumakay kami sa elevator, pagtingin ko sa pindutan ng floor medyo nagulat ako. Pano ba naman kasi, 30th floor ang nakapindot.
"Wag na po kayo magtaka kung sa 30th floor pa ang pupuntahan natin." sabi nung secretary.
Nakatingin lang ako sa sahig hanggang sa hinawakan ni Lance yung kamay ko.
"Nandito na tayo." sabi niya, pagtingin ko sa paligid nasa labas na silang lahat maliban sa amin ni Lance.
Napahiya ako kaya yumuko nalang ako.
Habang naglalakad kami, napansin ko na iba ang kulay ng pader at nung carpet.
Kung ang nasa lobby, sobrang ganda na halatang pormal o halatang mataas na tao ang may-ari, dito naman parang papunta kami sa impyerno dahil sa sobrang lamig, napaka-plain, at may nakakatakot na kulay sa mga paligid.
"Pasok po kayo, upo nalang kayo maliban lang dun sa harap." sabi nung secretary.
Isang mahabang mesa ang bumungad sa amin, gaya sa labas malamig rin dito.
Nang maka-upo kami, wala ni isang nagsasalita hanggang sa bumukas ang pinto.
Niluwa doon ang 8 na lalaki habang may dalang mga platito at mga inomin.
Isa isang nilapag sa harap namin ang isang malaking slice ng Chocolate cake na may kasamang Iced Tea.
Nagtinginan lang kami at walang gumagalaw. Maya maya rin may narinig na kami. Tunog ng takong. Palakas ng palakas hanggang sa bumukas ulit ang pinto.
Pumasok doon si Shannelle habang may nakasunod na dalawang MIB.
"What?" deretsong sabi niya ng maka-upo siya.

BINABASA MO ANG
The Enemy's Companion: The Queen's Regression BOOK II
Teen FictionA Matured Person. Very Powerful. Very Manipulated Person. A Mafia Boss. Have a Deadly Aura. After how many Years. Did she changed? Many lives been changed. Many secrets were revealed. What will happen to them?