Chapter 80: The Truth

116 5 20
                                    

Chapter 80: The Truth

Luke's POV

Umalis si Akira ng walang lingon sa amin. Nagtinginan kaming lahat bago kami dumeretso sa kwartong sinabi ni Akira.

"Ladies and Gentlemen, this way please." sabi ng isang babae.

Tahimik kaming umupo at pinanood ang mga maid na ayosin ang mesa para sa amin.

Ilang minuto rin iniwan na nila kami kaya nagumpisa na rin kaming kumain.

Habang kumakain kami biglang may kumatok at pumasok ang isang MIB.

"Good Day everyone! Ako nga pala si Tyler. Nais lamang ipaalam sa inyo ng reyna na dumeretso kayo sa kanyang opisina." tumatango kami.

Habang tinitignan ko si Tyler parang may naisip akong kahawig niya. Bigla naman akong napatingin kay Thyrone.

Bigla kong siniko si Ivan na nasa tabi ko.

"Oy tignan mo, may hawig yang Tyler at si Thyrone." bulong ko.

"Oo nga." Ivan. Tahimik naming pinagkokompara ang mukha ng dalawa at magkamukha sila, yun nga lang ay mas matanda ang itsura ni Tyler.

"Kung wala ng katanungan, ako'y aalis na. Pakabusog kayo." sabi niya at iniwan kami ulit.

"Thyrone diba may Kuya ka." sabi ko.

"Oo pero matagal na siyang patay. Bakit?"

"Wala wala."

[ Queen's Office ]

Nadatnang naming nakaupo si Akira sa upuan niya.

Malamig dito sa loob, kulay dugo ang dingding. Sa likod naman ni Akira ay isang malaking Family Picture pa nila kasama ang kanyang ina.

"Sit down." sabi niya.

3rd Person's POV

Nilagok na muna ni Akira ang kanyang wine bago nagsalita.

"I talked to your parents and guardians. They want you all to be my reapers." deretsong balita ng dalaga.

Walang nagsalita pero halatang gulat sila.

"What? How? When? Huh?" gulat na tanong ni Kai.

"They signed a contract. Read it." inabot ni Akira ang mga kontrata na may lagda ng kanilang mga magulang.

"They're here." sabi ng dalaga. Tinignan lamang siya ng mga to hanggang sa pumasok ang kanilang mga magulang.

"Ladies and gentlemen please sit down."

Hindi alam ng mga ito kung ano gagawin o ano ba dapat irereact nila ngayong nakita nila ang kanilang mga magulang.

"Everyone is aware that our parents/guardians works at same organization so they talked about it and agreed that we must also work at same group."

Nakikinig lang ng maigi ang lahat sa pununo ng Mafia.

"Every underlings of this Mafia group are leaded by their heirs which happened last Mafia Party. Next month will be having a big Mafia Meeting. Any questions?"

Wala namang umimik kaya patuloy na nagsalita ang reyna.

"Everybody knows my way. I want is what I get. Now that your parents signed the contract I expect everybody to cooperate with me. Early as now, I'm telling you that there's no easy work in or outside."

"Iproprovide ba lahat ng kailangan namin?" tanong ni Lance.

"Of course. Oh, bago ko makalimutan. Pwede bang sina Mr. and Mrs. Montes na manatili rito sa harap kasama si Thyrone."

Nagpalit palit ng upuan ang lahat. Medyo nagtataka man sila pero sinunod nalang nila.

"Alam kong nagtataka kayo pero may gusto lamang akong ipalam sa inyo lalo sa inyo Montes Family."

Nagbigay naman ng cue si Akira kay Tyler na tahimik na nakatayo sa gilid.

"This guy. His name is Tyler. Nawala yung alaala niya. May mga naaalala man siya pero di malinaw." panimula ng dalaga.

"What's your point Queen?" Mr. Montes.

"His name is Tyler. Tyler Montes. Ang panganay na anak niyo na akala niyo patay na."

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Dahan-dahan namang tumayo ang Montes family. Lahat sila halos mangiyak iyak. Palihim na hinawakan ni Tyler yung braso ng dalaga. Nanginginig si Tyler.

"Totoo ba to?" sabi ni Tyler. Tumango lamang ang dalaga bilang sagot.

"Sabi na eh. Kanina ko lang din napansin, may hawig sila ni Thyrone." biglang sabi ni Luke na nasa likod.

"See, even Luke noticed it." ngumisi si Akira sa idea na may nakapansin.

"My reaper can lead you to a room to have time to talk. The rest of you will stay."

Sumunod naman ang Montes Family at si Tyler ng lumabas ang isa sa reaper ni Akira.

Tyler's POV

Lumipat kami ng kwarto. Sobra akong naiilang ngayon. Parang kahapon nanaginip lang ako na kasama ko raw pamilya ko pero malalabo ang kanilang mga mukha pero ngayon talagang kaharap ko na sila.

Naupo kami sa isang lamesa. Kaharap ko silang tatlo.

"Uh hello po?" nahihiyang bati ko.

"Anak ko." sabi nung ginang at niyakap ako.

"Kuya, anong nangyari sayo?" tanong nung binata.

"Wala akong maalala, basta ang alam ko nakilala ko si Miss Akira sa Korea. Sabi niya babalik lahat basta sumama ako sa kanya. Dahil na rin sa kagustuhan kong maibalik lahat sumama ako. Sinanay niya ako at kinupkop tsaka niya ako binigyan ng isang parangal na maging reaper niya." paliwanag ko.

"Akala ko naisama ka sa pagsabog noon ng lugar na pinuntahan natin." emosyonal na sabi ni Thyrone sa kanya kuya.

3rd Person's POV

Sa kabilang banda naman, tutok na tutok sa pakikinig ang buong magkakaibigan kay Akira.

"Any questions?" sabi ng reyna.

"Crystal clear." sabay na sagot ng mga ito.

"Proceed to the next training room. Meeting ajourned."

Nagmartsa paalis ang magkakaibigan tsaka nakipagkamayan naman ang mga magulang at guardian nila kay Akira.

Ilang saglit lang, tanging si Akira lang ang naiwan sa kanyang opisina.

Napapikit siya sa lahat ng nangyayari.

May kumatok sa kanyang pinto kaya dun natoon ang kanyang atensyon.

"Yes?" Akira

"Queen" bungad ng isang MIB saka yumukod at may inabot na brown envelope.

May nakasulat na 'Death Seeker' sa bandang ibaba ng envelope.

"You may go." sabi niya.

Nanginginig ang kanyang kamay at namumuo ng galit sa kanyang isip at puso.

Pagkatapos niyang nabasa ang mga dokumentong nakalagay, isang ngisi ang tanging nagawa niya sa kabila ng halo halo niyang nararamdaman.

"Mr. Scott, pakitawag ang buong Dela Vega."
----
Halos magiisang taon na ata ako di nakaUpdate. May nagbabasa pa ba? Malapit ko na rin matapos pageedit sa book 1.

Book 2, siguro 30 chapters lang siya, all in all. Di ko na hahabaan para di siya boring.

Comment naman kayo ng kahit ano para mapabilis pagsulat ko. May magcomment at vote lang dadalian ko iupdate ang chap 81 promise!

Enjoy babies. xoxo

The Enemy's Companion: The Queen's Regression BOOK IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon