Chapter 77: Her Own Way
Thyrone's POV
Sabay kaming naglalakad nila Dwayne, Charles at Vince nang may sumisigaw ng pangalan namin.
Paglingon namin, nakita namin si Brian.
"Oh bat ka tumatakbo Brian, umagang umaga." sabi ni Dwayne.
"Dalian niyo, asa Meeting Hall silang lahat kasama si Akira."
"Ano?!" sabay-sabay naming sinabi. Sabay-sabay kaming tumakbo.
Pagpasok namin, wala kaming nadatnan na Akira.
"Kala ko nandito na?" bulong ko kay Brian.
"Yun ang tinext ni Jade."
"Bat ngayon lang kayo?" tanong ni Jordan.
Umiling lang ako.
Maya-maya bumukas yung isang pinto, tumambad sa amin ang babaeng naka-half mask. Sobrang tahimik naming lahat, nakatingin lang kami sa kanya habang naglalakad siya patungo sa gitang upuan.
"So?" sabi niya. Inalis niya yung maskara niya. Nakita na namin ng buong-buo. At lalo siyang gumanda yun nga lang mas lumamig o lalong walang mabasa na ekspresyon sa muka niya.
"Uh Akira..." panimula ni Jordan.
"So sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin."
"Bakit ka umalis?" deretsong tanong ni Lance.
"Umalis ako dahil walang mamamahala sa kompanya namin sa Korea." sagot niya.
"Bakit hindi ka man lang tumawag o text O kaya naman message sa social networks." tanong ni Tina.
"Wala akong oras sa mga yan. Same number pa rin naman ako, lagi nga lang naka-flight mode ang phone ko. Ayoko ng sagabal." sabi niya.
"Ibig bang sabihin sagabal kami?" tanong ni Summer habang naka-yuko.
"Wala akong sinabi na ganyan."
"Pero ganun ang pinaparating mo. Na sagabal kami." sabi ni Thea.
"Paniwalaan niyo ang gusto niyo." simpleng sabi niya.
"Akira, gusto namin ng maliwanag na dahilan." sabi ni Ivan.
"DRG, wala naman akong lilinawin e. Nung graduation natin nasa backstage ako. Nakatanaw sa inyo kaya kahit papaano nakita ko kayong umabot ng dimploma. Nung party after graduation umalis na ako at naiwan sila Dad at Kuya dito."
"Pero kung ganun bat di ka nag-paalam sa amin?" tanong ni Lorenz.
"Di ako nag-paalam kasi babalik din ako."
"Babalik. After 3 years." sabi ni Jordan.
"Nanonood ba kayo ng news?" naasar na sabi ni Akira.
Walang sumagot hanggang sa nagsalita si Catteleya.
"Akira." mahinahon na sabi niya.
"Yes Catteleya?" sabi niya habang naka-ngisi.
"Based sa kwento ng mga kasamahan ko magkalaban ang grupo natin. Hindi sa nanghihimasok ako pero sana binigyan mo ng respeto ang mga ksamahan mo. Sana nagpaalam ka man lang. Sinaksihan ko ang pagiging down nila halos isang taon yun. Pati sa grupo namin, especially Thyrone." gigil na sabi ni Catteleya. Napatingin ako kay Akira ng mabanggit ang pangalan ko.
Seryoso lang siyang nakatingin kay Catteleya.
"Catteleya, hindi ba kwinento sayo ng mga kasamahan mo kung anong silbi ni Thyrone sa buhay ko para kung may dahilan ba siya para magluksa sa pagka-alis ko. Alam kong nagluksa ang DRG dahil sa unang pagkikita namin ay sinugod ako ng isa sa kanila pero ang sabihin mong si Montes ay nagluluksa, oh please that's the funniest joke." napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Enemy's Companion: The Queen's Regression BOOK II
Novela JuvenilA Matured Person. Very Powerful. Very Manipulated Person. A Mafia Boss. Have a Deadly Aura. After how many Years. Did she changed? Many lives been changed. Many secrets were revealed. What will happen to them?