HAR-01

3.2K 116 1
                                    

Hotel and Resort
01












HULING linggo na nang Marso at patapos na rin ang ikalawang semester. Mag-isang umupo si Lara Crisostomo sa pinakadulong upuan sa canteen. Wala namang tao doon maliban sa mga taong nakabantay sa counter at ilang mga estudyanteng katulad niya’y tahimik lang na nakatambay. Pinili niyang umupo sa pinakadulong table, kung saan madalas silang doon umupo na magbabarkada. Hindi na siya nakasuot ng school uniform dahil wala na ngang klase. Nagpapapirma nalang sila ng clearance.

“Nasan na ang mga yun?” kunot noo niyang tanong at marahan pang sumilip sa bintana. Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan si Charisa Santos, ang bestfriend niya. Ngunit hindi ito sumagot makalipas ang ilang ring.

Napag usapan kasi nila kagabi sa group chat na magkikita kita sila ngayon upang mapag-usapan nila ang kanilang gagawin sa summer. Hindi sila pare-pareho ng kurso, kaya sa tuwing lunch break lamang sila nagkikita. At paminsan minsa’y gumigimik naman sila.

“Lara!”

Napatunhay siya at nakita niya ang mga kaibigan niyang papasok sa canteen. Sina Joli Ariola, Aimee Francesca, Diana Dela Cruz, Jesel Quevas at Charisa Santos. Nginitan niya lamang ang mga ito.

“Bakit ang tagal niyo?” tanong niya pero hindi parin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.

“Nako, eh, pasensya ka na, Lara. Hinintay pa kasi namin tong si Joli. Nag hahanap kasi siya ng pambayad niya sa cashier para makakuha ng clearance, mabuti nalang at may dalang extra money itong si Aimee.” Sagot naman ng kaibigan niyang si Diana, tango lang ang tanging naisagot niya.

“So tayo tayo lang?” tanong ni Charisa. “Where are the boys?”

“The boys are busy right now. You know naman the boys laging may pinagkakaabalahan. Update nalang daw natin sila sa mga pagu-usapan natin today.” Sagot niyang nakangiti.

“So ano na Lara? May idea ka na ba kung saan tayo puwedeng pumunta ngayong summer?” Tanong ni Charisa. Umupo na nga sila sa table kung saan mag isa lamang siya kanina.

Habang kumakain ng lunch ay pinag uusapan na rin ang tungkol sa gagawin nila sa summer. Siya ang pinagde-decide nila parati dahil siya lang naman parati ang maraming alam na lugar.

“Wala pa eh, but if you want, let’s go hiking. May alam akong lugar.” Nakangiting sagot niya ngunit nawala ang ngiti niya ng umirap lang si Charisa.

“Hiking, seriously?” taas kilay na tanong ni Charisa. “I hate hiking! Alam mo naman yun, Lara. Come on, mag-isip ka pa ng iba!”

“Charisa, kumalma ka nga, okay? Walang naitutulong yang kasungitan mo eh.” Saad ni Jesel. Guwapo si Jesel ngunit guwapo rin ang hanap nito. Jesel’s a gay. “What if, mag-resort nalang kaya tayo?”

“Kung magre-resort tayo, saan naman? For sure punuan ang mga resorts ngayon, girl!” giit naman ni Diana. “Guys, Pwedeng huwag muna?Magtipid naman tayo.”

“Well, tama naman si Diana. Punuan ngaayon aang resort lalo pa at summer. Gusto ko sana yung lugar na nakakapa-relax ka na,  nakakatipid kapa!” Segunda ni Joli.

“Bakit kailangan nating mag-tipid? Lara’s here naman eh, siya ang bahala satin.” Nakangiting turan  ni Charisa kaya ngumiti na lamang siya bilang pagsangayon.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon