MI-03

1.5K 87 4
                                    

Mentrited Island
03















NANG makarating ang sampo sa harap ng bahay ni Memesha ay hindi sila pumasok kaagad. Nagtago muna sila sa mga malalaking halaman na naroon.

“Ano na ang gagawin natin?” bulong na tanong ni Zamiela kay Elli.

“Mamaya tayo papasok.” Sagot ng binata. “Magmasid muna tayo.”

“Memesha’s weird. Don’t you think? Paano ito nabubuhay ng mag-isa?” tanong ni Ashley.

“May mga katulong naman siya ‘diba?” Sagot ni Beca.

“Katulong? They’re not even talking. Saka pinapatay nga nito ang mga katulong niya eh.” Sagot naman ni Phinesa.

“AAAAAAAAAAAAAHHH!” isa nanamang sigaw ang narinig nila mula sa loob ng bahay kaya nakaramdam na naman sila ng kaba.

“Natatakot na ako!” bulalas ni Beca.










***




MATAPOS ang ilang minutong paga-antay ni Memesha sa kuwarto ng tatlong bihag ay dumating na si Sheshemi dalang patay na katulong. Namangha siya sa mabilis na pagpatay ng kambal. Inilapag nila ang bangkay ng katulog sa ibabaw ng mesa kung saan nakaharap ang mga bihag.

“Nasa baba na ang mga bisita natin. Nakatago sila sa mga halaman.” saad ni Sheshemi kaya napangisi siya.

“Hiding huh?” sambit niya.





***




DAHAN-dahan sa paglalakad ang sampo papasok sa bahay ni Memesha.

“Try not to make a sound guys.” Saad ni Elli.

“Why don’t you just shut your mouth Elli?” masungit na bulong ni Ashley.

“GUYS!” tila nabuhusan sila ng malamig na tubig ng marinig nila ang boses ni Memesha. Gulat na gulat silang napatingin kay Memesha. Pinagpapawisan na rin sila ng malamig at hindi alam ang gagawin.

“M-memesha?” utal na sambit ni Bryle.

“Where have you been, guys? I ‘ve been waiting for you at nag aalala ako sainyo.” Malungkot na saad ni Memesha.

“Oh come on, Memesha! Stop acting like as if you’re innocent!” inis na sigaw ni Karen.

“What do you mean Karen?” mangiyak ngiyak na tanong ni Memesha.
“Talaga ba, Memesha?! Sinong pumatay kay Tiffany? Kaninong laman loob iyong mga nasa loob ng box na ipapakain mo dapat saamin ha? Sabi nung mga utusan mo, kay Samuel raw ang mga ‘yon!” giit ni Karen.

“You killed Sam!” akusa ni Ashley.

“Why did you kill my sister huh? Why?” galit na tanong ni Karen.

“Hindi ko kayo maintindihan! A-ano ba yang s-sinasabi niyo? All I did was to make you h-happy.” Iyak nang tuluyan ni Memesha.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon