MI-02

1.5K 90 0
                                    

Mentrited Island
02












“SHE’s okay.” Turan ni Memesha nang makabalik ito sa hapag kainan. “Let’s eat.”

Kumain na lang sila ngunit napuno ng katahimikan ang dining hall. Tanging kutsara’t tinidor lang ang gumagawa ng ingay. Nakaramdam rin sila ng kakaiba sa kinikilos ni Memesha. Para itong nagi-isip ng napakalalim at hindi mapakali. Maya’t maya ay napapalingon ito sa pintuan papuntang kitchen.

“May problema, Memesha?” tanong ni Beca. Tila mas lalo namang kinabahan si Memesha ng mapatingin ito kay Beca.

‘“N-none. Everything’s fine. ” Utal na sagot ni Memesha.

“Ah Memesha, gusto sana naming mag bonfire after dinner.Pwede ba?” tanong ni BEca.

“Okay lang.” Nakangiting tugon ni Memesha kaya naman natuwa ang mga kaibigan ni Beca.

“Sama kami?” tanong ni Bryle.

“Sure!” sang ayon ni Ashley.

Matapos nga ang dinner nila ay nagpunta na silang lahat sa tabing dagat. Kapansin pansin ang maraming bituin sa langit at ang ingay ng alon ng dagat. Gumawa muna sila ng apoy at saka sila umupo pabilog. May hawak ring gitara si Elli kaya naman masaya silang nagkakantahan.

Magkatabi naman at napakasweet ni Keisha at Jordan na kulang nalang ay maghalikan ang mga ito sa harap nila. Ganun din ang magkakapatid na Lazaro. Nang mapagod mag gitara si Elli ay naisip ni Ashley na maglaro.\
Tumayo si Ashley at nagpunta sa mga dala nilang pagkain at kumuha ng bote doon.

“Guys! Let’s play!” Tuwang tuwa na turan niya sabay taas sa bote.

“Let me guess, spin the bottle ang lalaruin no?” nakatawang turan ni Beca.

“May tama ka girl!” tugon niya.

“Hindi ako sasali.” Saad ni Greg.

“KJ ka na naman kuya eh. Come on, let’s play. Sounds exciting kaya!” pilit ni Tiffany sa kuya niyang si Greg.

“Okay fine.” Nakangiti namang payag ni Greg.

“Kami talagang hindi sasali.” Saad ni Bryle na punong puno ng pagkain ang bibig niya.

“Don’t even talk when your mouth is full! Idiot.” Suway niya.

“Laro tayo guys! Walang KJ okay?” sigaw ni Zamiela.

“Yup! Come on guys, let’s play!” sigaw niya.

“This is our chance to know each other more.” Dagdag ni Phinesa kaya naman pumayag nalang din ang lahat maliban kina Keisha at Jordan.

“Can we go to our room first?” tanong ni Keisha na naka kandong na sa boyfriend nito. Ang mga boys naman ay nagpipigil ng tawa. Iniisip siguro nila ang tungkol doon sa video kaya naman sinamaan niya ng tingin ang mga ito, warning them to stop.

“Ah Keisha, we have five more nights pa naman para sa privacy thing niyo. Dito muna kayo, dahil maglalaro tayo.” si Zamiela.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon