MI-01

1.7K 107 3
                                    

Mentrited Island
01















NAKATAYO sa isang masikip na eskinita si Beca habang nakatingin sa isang pintuang yari sa yero. Hindi niya alam kung kakatok siya sa pintuan na iyon dahil mula sa kinaroroonan niya ay may naririnig siyang nagsisigawan sa loob.

"WALA KANG SILBI DITO SA BAHAY! LUMAYAS KA DITO CHAMIELYN!" rinig niyang sigaw ng nanay ng kaibigan niya. Napapikit nalamang siya dahil ayaw niya talagang nakakarinig ng mga ganitong klase ng away.

"Pero nay! Ako ang nagtatrabaho para sa aatin!" rinig niyang sagot ng kaibigan habang humahagulgol.

"SUMASAGOT KANA HA? SUMASAGOT KANA? HALLA! LUMAYAS KA!"

Nagulat si Beca ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa nito ang umiiyak na si kaibigan. Kasunod non ay ang mga damit na itinapon lamang ng ina mula sa pintuan.

"Chammy..." bulong nalamang niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan, hindi niya lubos akalain na ganito pala ang sitwasyon nito. Akala niya ay nakatira ito sa isang magandang village at marangyang buhay ang meron ito. Pero hindi pala.

Kumakatok pa sa pintuan ang umiiyak na kaibigan ngunit hindi na siya pinagbuksan ng pinto. Lumapit naman siya at niyakap niya ito.

"Chammy..." Nagulat ito nang makita siya.

"A-anong g-ginagawa mo dito B-beca?" tanong nito na tila nahihiya sakanya.
"Mamaya na ako magpaliwanag, okay? Ang mabuti pa, sumama ka muna saakin. Mukhang ayaw kang papasukin ng nanay mo, hayaan mo munang lumamig ang ulo ng nanay mo Cham." Mabait na niya kaya napahagulgol muli ito at pumayag sa kanyang alok.

"Pasok ka." Aya ni Beca kay Chamielyn ng makarating sila sa isang magandang condo unit.

Kay Beca ang unit na iyon ngunit hindi niya ito masyadong ginagamit dahil malapit lang naman ang family house nila sa school na pinapasukan. Samantalang ang condo niya, kailangan pa niyang mag taxi papuntang school. Napunta lang naman ang condo sa kaniya dahil ito ang pinambayad ng isang taong nagkautang sa parents niya. Walang pambayad noon ang taong iyon kaya yung condo nalang ang ipinambayad.

Hindi maikakailang mayaman siya. Ayon sa mga kakilala niya ay marami silang mga bahay at mga businesses. One year ago, nagtransfer siya sa school nila Chamielyn, isang pambublikong paaralan. Dati kasi ay sa isang mamahaling school siya nag-aaral, lumipat siya dahil sa kadahilanang iniwan siya ng mga kaibigan niya.

She was the apple of the eye sa bago niyang paaralan. Bukod kasi sa maganda siya ay nangingibabaw rin ang kaniyang mga mamahaling kagamitan. Hindi naman sa nagyayabang siya ngunit sadyang napapansin lang talaga siya ng mga tao. Kaya naman katulad niya ay mga anak din ng may kaya sa buhay ang mga naging kaibigan niya doon kaya mas lalo silang nakakakuha ng atensyon kapag sila ay nagsama-sama.

"Oh heto tubig, uminom ka muna." Nakangiting alok niya sa kaibigan. Hindi rin maitatangging mabait siya sa lahat ng kaibigan niya. "Pansamantala, dito ka muna sa condo ko, okay?"

"S-salamat, Beca." iyak muli ni Cham.

"I am your friend. No need to say thank you." Aniya.

"P-paano mo nalaman na doon ako nakatira?" tanong nito na tila ba nakaramdam ng hiya.

"Nakatira din kasi doon ang driver ko, si Mang Kanor, yung driver kong pumanaw dahil na-high blood. So ayun, Pumunta ako sakanila para makiramay, tapos, nakita kita. Naglalakad ka kaya sinundan kita." Paliwanag niya.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon