HAR-02

2.2K 111 1
                                    

Hotel and Resort
02










MATAPOS kumalma ni Diana ay nagtungo na sila sa hapagkainan dahil sila nalang ni Aimee ang inaantay doon. Hindi na nagtanong ang iba kung bakit namumugto ang mga mata niya, hindi na lamang siguro pinansin ng mga ito.

"Halina kayo't kumain." Nakangiting saad ni Lara sakanila. Nakaakbay si Zian kay Lara. Kaya naman pala good mood at maaliwalas ang mukha ng huli. Mukhang okay ngayon ang magkasintahan.

Habang kumakain sila ay nagkukwentuhan rin sila tungkol sa ibang mga bagay. Napansin niyang hindi umiimik si Jesel. Tila nilalaro lang nito ang pagkain.

"Jesel, okay ka lang?" taning ni Joli kay Jesel, mukhang napansin rin nito, ngunit hindi sumagot si Jesel. "Hoy bakla. Ano, okay ka lang?"

Napansin rin niyang lumingon si Jesel sa puwesto nina Joli at France, kung nakakapatay lang sana ang mga tingin nito sa magkasintahan ay kanina pa pinaglalamayan ang dalawa.








***




MAGULO ang mahaba niyang buhok, maputik ang damit, may bahid ng dugo ang mga kamay at may hawak siyang duguang patalim. Iyan ang itsura ni Clarisa ng pumasok siya sa mansion nila Lara kaya naman halos mamatay sa takot ang mga kaibigan ni Lara ng makita ng mga ito ang hitsura niya.

"WAAAAAAAAAAAHHHHH!" nagulat siya sa gulat na sigaw ng ilan.

"MULTO!"

"My gosh! Clarisa is that you?" tanong sakanya ni Lara kaya naman tumango siya. Lumapit siya kina Lara at saka humingi ng paumanhin sa biglaang pagpasok niya sa mansion.

"Mukha kang killer sa hitsura mo." komento ni Charisa na tila nandidiri pa.

"Shut up, Cha." Si Lara.

"Eh totoo naman eh. Mukha siyang killer." Dagdag ni Charisa.

"Oo nga eh." tumatawa ring dagdag ni Ken.

"H-hindi po ako killer." Mahinang sagot niya.

"Hay nako Ken, isa ka rin eh. Clarisa pasensya kana sa mga kaibigan ko ha? Eh bakit kaba nandito?" tanong ni Lara.

"Hinahanap ko kasi sina nana Juana at kaka Akoy, Lara." Sagot niya.

"Bakit may dugo 'yang kamay mo at ano yang hawak mong kutsilyong may bahid rin ng dugo?" tanong muli ni Lara.

"Ako po kasi ang nanghuli ng manok na kakainin ninyo bukas. Nadapa po ako sa putikan habang hinahabol ko iyong manok. Kaya rin may dugo itong kamay ko kasi ako na rin po ang nagkatay. Wala kasi sina kaka Akoy." Sagot niya.

"Umalis yata silang mag asawa, hindi ko nga rin sila nakita eh. Alam mo Clarisa, mabuti pa at umuwi kana at maligo para makapag pahinga ka, okay?" turan ni Lara.

"Sige po." Niyang nakayuko saka naglakad na palabas ng mansion.

Samantala, naghahapunan ang magbabarkada ay patay na ang dalawang matandang care taker ng mansion nina Lara. Winakwak ang tiyan ni nana Juana at si kaka akoy naman ay pinugutan ng ulo,








Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon