HAR-03

1.9K 107 0
                                    

Hotel and Resort
03











NAPAHINTO ang mga magba-barkada sa pagkain at saka tiningnan si Clarisa. Pinainom muna ni Lara ng tubig si Clarisa at pinaupo upang mapakalma ito.

“Clarisa, sabihin mo saakin kung anong nangyari.” Nag-aalalang turan ni Lara.

“Binaboy a-ako, Lara.” Iyak muli ni Clarisa habang nanginginig ang mga tuhod at kamay nito.

“Huh? Sino?” tanong niya.

“G-ginahasa ako, Lara. Binaboy nila ako.” Bulalas nito, kaya nagulat sila sa narinig.

“What?” Sambit ni Diana.

“Sinong gumahasa sayo Clarisa?” nag-aalalang tanong ni Aimee.

“Sabihin mo saamin, andito ba? Sino?” Tanong rin ni Diana at inikot na rin ang paningin kina Zian, Ken at Alen.

“What? Bakit ganyan ka makatingin Diana?” inis na tanong ni Ken ngunit hindi iyon sinagot ni Diana.

“Diana, Aimee, please dalhin niyo muna si Clarisa sa kwarto niyo.” Utos niya.

“Sige. Kami na ang bahala kay Clarisa.” Sagot ni Diana.

“Clarisa, come on.” Alalay ni Aimee rito.

“Sino ang may gawa non kay Clarisa?” madiin at mahinang tanong niya ng makaalis ang tatlo. “Magsalita kayo! Ikaw ba Ken?”

“Teka naman Lara, bakit ako?” protesta ni Ken.

“Hindi naman yata tama na mambitang ka, Lara. Bakit hindi yang boyfriend mo ang tanungin mo?” Sabat ni Charisa.

“Charisa ano ka ba?” pigil ni Jesel.

“Bakit ako na naman ang nakita mo Charisa?” pagalit na tanong ni Zian.

“Bakit hindi nga ba ikaw, Zian?” Nakangising tanong ni Charisa.

“At bakit naman iyon magagawa ni Zian?” Kunot noo at naiinis niyang tanong sa kaibigan.  “Do you have a proof?”

“Yes.” Madiin nitong saad kaya naman napatahimik sila. Inilabas ni Charisa ang cellphone niya at in-open niya ang isang video doon.  “Look.”

“Shit!” mura ni Zian. Napatakip naman sila ng bibig ni Jesel. Kitang-kita sa video ang pagpasok ni Zian sa loob ng bahay ni Clarisa. Isang sampal mula sakanya ang natanggap ng nobyo.

“Babe—“

“Hayop ka!” sigaw niya kay Zian.

“Babe, hindi ko yun magagawa. I was just wondering around and nakita ko ang maliit at lumang bahay na iyon at pumasok lang ako! Hindi ko yun magaga—”

“Tama na Zian, tama na, please lang.” umiiyak niyang saad bago siya tumalikod. Bago siya naglakad paakyat ay tinapunan niya ng nakakamatay na tingin si Charisa na hindi naman natinag.

“Alis muna ako ah.” Paalam ni Alen pero pinigilan siya ni Charisa.

“No Alen, mag usap tayo!” giit ni Charisa na nagpatigil kay Alen. Lumabas si Alen at Charisa upang mag usap.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon