GAH-01

1.3K 72 1
                                    

Gehenna and Heaven
01











MASAYANG naghain ng almusal si Dianara para sa kambal niyang anak. Dalaga na ang mga anak nito at nasa kinse anyos na. Nakaranas man si Dianara ng nakakapangilabot na nakaraan, hindi siya sumukong ayusin ang kaniyang buhay lalo na at biniyayaan siya ng dalawang magagandang anak.

Lumipas man ang taon pero hindi parin nawawala sa isipan niya ang nangyari sakaniya mula sa kamay ng mga taong gubat. Sa tuwing iniisip niya ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang kaba at kilabot. Walang ni isang taong naniwala sakaniya noon. Akala nila ay baliw siya at gumagawa lamang ng mga kuwento.

Kahit walang naniwala ay hinayaan na lamang niya iyon. Ang mahalaga ay may mga kasama na siya sa buhay, ang kambal niya, si Gehenna at si Heaven. Wala rin siyang pakealam kung anak pa ito ng mga taong gubat. Nalaman kasi niyang buntis siya dalawang linggo mula ng makatakas siya sa mga taong gubat.  Gusto man niya iyon ipalaglag ay nanaig ang kagustuhan niyang maging ina kaya naman inalagaan niya ito at iniluwal ng maayos ang kambal.

“Mommy!” napangiti siya ng bumaba na mula sa kwarto ang mga anak niya. Parehong pareho ang kambal, mula ulo hanggang paa. Ang pinagkaiba lamang ng mga ito ay nasa ugali.

Parehong mabait pero mahiyain ang isa sakanila, iyon ay si Heaven. Kung si Gehenna ay matapang si Heaven naman ay matatakutin.

“Good morning sweethearts! How’s your sleep? Halina kayo at kumain.” Nakangiti niyang saad sa mga anak.

“Yes mommy! May exam ako mamaya kaya I need to eat for my brain.” Nakangiti ring sagot ni Gehenna sabay upo sa harap ng mesa.

“That’s good. How about you, Heaven?” tanong niya sa matamlay niyang anak.

“M-mom, pwede bang dito nalang ako sa bahay?” tanong nito. “I hate school.”

Napabuntong hininga nalamang siya sa sinabi ng anak. Hindi niya alam kung bakit ayaw nitong pumasok sa paaralan. Naga-alala siya para rito.

Sa magkaibang school niya ipinasok ang kaniyang mga anak dahil ayaw niyang maihalintulad aang mga ito sa isa’t isa. Ayaw niyang ikumpara ang mga anak niya sa isa’t isa dahil siguradong isa sakanila ang masasaktan.

“You can’t stay at home, sweetie. Kahapon ay pinagbigyan na kita, ‘di ba?” Tugon niya sa sinabi ng anak. “Pumasok ka sa school. Tingnan mo si Gehenna, gusto niyang pumasok everyday.”

Isang tango nalamang ang ginawa ni Heaven sa sinabi ni Dianara.

Gehenna Dianara Cooper at Heaven Dianara Cooper, iyan ang ipinangalan ni Dianara sa kaniyang mga anak. Hindi alam ng mga anak niya kung sino ang ama ng mga ito. Laking pasasalamat nga niya dahil hindi nagtatanong ang mga ito tungkol sa ama dahil paniguradong wala siyang maisasagot sa mga anak.





***
“HI Gehenna!” Bati ng isang schoolmate niyang nakasalubong. Nginitian lamang niya ang babaeng bumati sakaniya. Sikat siya sa school nila, bukod kasi sa maganda siya ay matalino rin. Maging sa pageants ay title holder siya, mapa sports at academic ay laging excellent.

Isa lang ang problem ng guro niya, minsan kasi ay hindi siya pumapasok.

Marami siyang manliligaw, pero wala siyang gustong patulan, kung meron man ay hindi nalamang niya ito pinapansin kasi ayaw ng mommy niya na nakikipag-boyfriend siya. Ayos lang naman iyon sakaniya dahil alam niyang para sa ikabubuti niya iyon.









***










“HEAVEN Dianara Cooper.” basa ni Heaven sa kaniyang I.D. Nagtataka siya, bakit kaya Heaven ang pangalan niya? Isang buntong hininga ang ginawa niya saka inilagay sa kaniyang bag ang I.D. Ayaw niyang makilala siya ng mga tao.

Gaya ng dati ay nakayuko siya habang naglalakad sa hallway ng kanilang school. Maging ang mga schoolmates niya ay takot sakanya. Ang tawag sakanya ay campus outcast. Wala rin siyang kaibigan at kausap kaya naman mas pinipili niyang maglagi sa kanilang bahay at huwag nalamang pumasok.

Minsan naisip niya, bakit nga ba siya ipinanganak pa sa mundong ito? Para kasing sayang lamang ang buhay niya. Isang pang buntong hininga ang ginawa niya bago siya pumasok sa classroom nila. Lutang ang isip niya habang nakikinig sa guro, hanggang natapos ito ay wala pa rin siyang maintindihan sa lesson.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon