MI-FINAL

1.4K 90 1
                                    

Mentrited Island
FINAL















KASALUKUYAN silang nagpapahinga ng gabing iyon. Si Beca ang huling naligo sakanilang magkakaibigan. Nasa bahay parin sila ni Memesha at kinabukasan nila balak umuwi. Magkakasama silang lahat sa iisang kuwarto, naglatag nalamang ang iba ng higaan sa sahig. Naroon parin kasi ang trauma nila sa nangyari kanina lang. Oo patay na ang kambal ngunit hindi parin nila maiwasang matakot.

“Beca!” sigaw ni Karen mula sa labas ng pinto ng CR.

“Yes?” sagot naman ng dalaga na nasa loob.

“Pahiram naman ako ng blower mo?” paalam ni Karen.

“Oh sige, hanapin mo sa bag ko, kulay pink yong bag ko nasa ibabaw ng cabinet.” Saad naman ni Beca.

Napasulyap naman si Karen sa mga kasama na halatang pagod. Si Lester at Bryle ay nasa couch at sina Ashley, Keisha, Phinesa at Zamiela ay nakahiga sa kama. Maya maya pa ay tumayo si Bryle.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Lester.

“May nakalimutan lang ako sa kuwarto natin bro.” paalam ni Bryle bago lumabas. Hinanap naman ni Karen ang backpack ni Beca. Natuwa siya ng makita ito at nahanap agad ang blower sa loob. Akmang isasara na sana niya ang bag ng makitang may camera palang dala si Beca.

“Beca ang ganda nitong camera mo, patingin ha!” paalam muli ni Karen.

“Okay!” sigaw ni Beca mula sa loob ng Cr.

Walang pictures puro video lang ang naroon na nagpakaba ng lubos sakaniya. Pinanood niya ang ilan sa mga video. Sa palagay niya ay sa isang resort ito nakunan.

---
VIDEO 1

“Oh gising kana pala Diana.” Saad ng babaeng nakamaskara at may voice changer na gamit.

May tape sa bibig ang isang babae kaya naman hindi ito makapagsalita.

“Diana making ka, alam kong marami kang tanong. Alam mo ba kung sino ang pumatay kay kaka Akoy at nana Juana? Ako yun! Para walang istorbo sa plano ko. Ako rin ang umupa dito sa resort na ito for ten days na pinamigay ko lang sainyo, which is ako rin ang magbe-benefits. I want to kill all of you. But Jesel killed Sy. He almost killed France but, hindi natuluyan kaya ako na ang nag tuloy. That rapist!” sigaw ng babaeng nakamaskara. “Well sila lang naman ang pinatay ko. According to my hidden cameras, nagpatayan ang mga magkakaibigan. But anyway! Gusto kong mag-laro tayo at ikaw ang gusto kong player!” Dagdag pa ng babae.

“Gusto ko sanang si Lara ang maging player, kaya lang nagkagulo baka mas gusto niya pang mamatay kayong lahat kesa maglaro, kaya ikaw nalang. Ngayon, ikaw ang gusto kong mag ligtas sa mga kaibigan mo.” Saad ng babaeng nakamaskara. Lumapit ito sakaniya saka tinanggal ang tape sa bibig ng babaeng kausap.

“SINO KA? ANONG LARO?” sigaw ng babaeng Diana ang pangalan.

“It doesn’t matter kung sino ako. Okay, let’s proceed na sa sa game.” Baliwalang saad ng babaeng nakamaskara.
“Pano kung ayokong mag-laro?” tanong niya sa babaeng kausap.

“Then game over. You can escape but your friends will soon die!” natatawa pang saad ng babaeng nakamaskara.

END OF VIDEO 1
---

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon