TN-01

1.4K 89 5
                                    

The Neighbour
01













“YOU know what guys, kaya pala laging wala si daddy sa bahay, may kabit pala siyang inuuwian.” Saad ni Troy habang umiinom ng beer.

Nasa bahay sila ngayon ng barkadang si Dino. Dito kasi sila laging nagkikita at tumatambay upang uminom. Lagi naman kasing wala ang parents ni Dino kaya naman, Malaya silang gawin ang kahit na ano. Summer break na rin kasi nila kaya naman wala silang ibang ginawa kundi mag inom at mag saya.

“Babe, tatlong beses mo na yang sinabi. Lasing kana. Chill ka lang, babe. Don’t let your dad ruin your life.” Saad naman ng girlfriend niyang si Alexie na umiinom rin ng beer.

“I hate my dad, Lexie.” Asik niya.

“Dude, ano ba? Tama si Alex, chill ka lang bro!” pa cool namang saad ni Dino habang humihithit pa nang sigarilyo. “Look at me, laging wala ang parents ko, nalulungkot ba ako? Hindi! Chill lang!”

“Teka nga Troy, kilala mo na ba kung sino yung kabit ng dad mo?” tanong naman ni Rowena na nasa gilid lang at nagbabasa ng libro at hindi nakikisali sa bisyo ng barkada.

“At nasundan mo ba kung saan nakatira?” dagdag na tanong naman ni Dino.

“Bakit ba andami niyong daldal ha?” pairap na tanong ni Troy. Kumibit balikat nalang si Rowena saka muling nagbasa ng libro.

“Nakakatawa ka Troy, hindi mo bagay magsungit!” nakatawang saad ni Dino kaya naman may natanggap itong sapok galing kay Alexie.

“May problema na nga tong boyfriend ko, ginagago mo pa!” irap ni Alexie kay Dino.

“Uy! Girlfriend to the rescue!” natatawang asar ni Dino. “Sana all!”

Nabaling naman ang atensyon nila Dino, Alexie, Troy at Rowena sa pintuan nang bumumukas iyon at iniluwa ang mga bagong dating na iba pang mga barkada sina Samantha, Bryan at Kennedy.

“Hi guys!” Bati ni Bryan sakanila.

“Oh bat ngayon lang kayo? Lasing na lasing na tong si Troy, tapos, ngayon palang kayo.” Nakatawang saad ni Dino.

“Oh bakit bilis niyan nalasing ngayon?” tanong naman ni Kennedy.

“Problemado yan eh.” Si Rowena ang sumagot habang nagbabasa parin ng libro.

“Oh! Hi Rowena!” Ngiting bati ni Kennedy kay Rowena ngunit hindi ito pumansin.

“Wala ka pala bro eh! Tatlong taon na ang lumipas pero basted ka parin kay Rowena.” Nangaasar na turan ni Bryan.

“Tibo kaba Rowena?” nainis na ring banggit ni Kennedy. Lagi nalang kasi itong hindi kinikibo ni Rowena. Para lang itong hangin sa mga mata ng dalaga.

“Hindi.” Tipid lang na sagot ni Rowena. Hindi nalang umimik si Kennedy.

“Ah oo nga pala Samantha, nasaan si Gabriel?” tanong naman ni Alexie kay Samantha.

Umirap naman ng maarte si Samantha saka uminom na rin ng beer. Kapansin pansin ang maganda nitong damit na bagay sa maganda nitong katawan at mukha.
“That jerk! Kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot.” Inis na turan ni Samantha. Napangiti naman si Rowena saka napailing. Matagal na rin kasing naghahabol si Samantha sa kaibigan nilang si Gabriel. “Tatawagan ko nalang ulit.”








***








PURO sigawan naman ang maririnig sa loob ng maliit na bahay nina Gabriel. Nag aaway nanaman sila ng stepfather niya.

“Saan mo ba kasi itinatago ang kapatid mo, Gabriel?” pasigaw na tanong ng stepfather niya.

“Ilang ulit ko po bang sasabihin sainyo na hindi ko po alam!” giit niya na tumataas na rin ang tono ng boses.

“Anak, nagmamakaawa kami, ituro mo na kung nasaan ang kapatid mo! Iuwi mo na siya dito sa bahay.” Pakiusap naman ng ina niya. Napahilamos nalamang siya sa sariling mukha at pumasok sa maliit niyang silid.

Nang naga-ayos siya ng gamit niya ay nakita niya ang pitaka niyang nakabukas at nakita doon ang mukha ng babaeng mahal niya. Napangiti nalamang siya. Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang si Samantha ito kaya naman sinagot niya.

“Oh thanks God! Sinagot mo rin ang tawag ko, I’ve been calling you for ages! Gab baby, where are you?” tanong ni Samantha sa kabilang linya.

“Sam, wala akong oras sayo okay? Pupunta ako kina Dino, doon muna ako matutulog.” Walang ganang tugon niya.

“Exactly! Andito ako ngayon kina Dino. Come here na, Gab baby! I miss you.” Napailing nalang siya bago pinatay ang tawag atsaka nag-ayos na nang gamit. Pagod na siyang marinig ang ingay ng nanay at stepfather niya.

Summer Trip|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon