Entry 001

17 1 0
                                    


001

01/05/16

Alam niyo ba yung feeling na halos labing-dalawang beses niyo ng paulit-ulit na pinapatay yung isang tao sa isipan niyo? Ako kasi, damang-dama ko yung feeling na 'yun ngayon habang nagsusulat-- este nag-ttype at konting push pa siguro ay tuluyan ko ng masisira 'tong keyboard. Alam niyo ba kung bakit?

Siyempre hindi niyo alam kasi hindi ko pa sinasabi. So ayun nga, pagkatapos kong maghintay ng wala sa harap ng school ng kuya ko ay napagdesisyunan ko ng umuwi, kaya pumara na ako ng tricycle(di uso ang taxi, jeep at bus samin) at sinabi kung asan destination which is sa highway malapit sa amin. Pagbaba ko, inabot ko yung labing-lima sa tagalog, fifteen sa ingles at quince sa espanyol na perang pamasahe ko. Actually, dapat sampung piso lang ang pamasahe ko, pero since nasa good mood ako ay dinagdagan ko na lang. Ilang hakbang pa lang ako nang bigla akong tawagin ni manong driver.

Tapos alam niyo yung sinabi niya? Well, sabi lang naman niya ay "Bakit quince lang? Tereinta dapat pamasahe mo dito." As in napatulala ako tapos tinanong ko kung "Treinta? As in thirty pesos?" Nag-oo siya at lumikha ng mala-nobelang eksplanasyon kung bakit dapat 30 ang ibayad ko. Napa-wow naman ako dahil jusko, iba si kuya! Cinareer ang overpricing! Siyempre, me as a concerned citizen of the Republic of the Philippines, gumawa rin ng mahabang paliwanagan na sobra siya kung makasingil at dapat nga ay sampu lang ang pamasahe ko at estudyante pa ako. Pero as I have said, iba si kuya, palaban siya. Sabihan ba naman ako ng "Ay, diyan tayo magkakaaway." Sinabi ko naman sa kanya "Talagang mag-aaway tayo kung ganyan ka kataas maningil ng pamasahe, manong driver!" Pero dahil mabait ako, sa isip ko lang yun sinabi. At pagkatapos ng mahaba-habang argumento ay nagdagdag na lang ako ng quince pa para maging 30, at naglakad na papunta sa bahay. Pero bago 'yun ay sinaluduhan ko muna siya ng aking middle finger. Pero siyempre, sa isip ko lang ulit 'yun ginawa kasi nga sobrang bait ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang hinanakit ko sa nangyari kanina. Ang sarap talaga kalbuhin hanggang skull si manong driver at dukutin yung mga mata niya at iihaw at ibenta ng tig-quince tas pwede ring gamitan ko ng peeler yung mukha niya para naman numipis, masyado kasing makapal eh. Okay rin naman kung ipakain ko siya sa alaga kong panda, kaso kawawa naman yung panda ko, baka malason kay manong driver, kaya paliliguan ko na lang siya ng hydrochloric acid at paiinumin ko na rin ng tubig na ginamit panghugas ng puwet(sorry sa mga kumakain dyan), baka kasi nauuhaw eh. Pero siyempre, dahil isa akong mabuting mamamayan, isa lang ang gusto kong mangyari kay manong driver.

Sana ay malinisan ang kaluluwa't pagkatao niya nang sa gayon ay tumaliwas na siya sa pag-ooverprice. Driver po siya, hindi overpricer.

Ang Diary Ni JeycoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon