YIF?! Chapter 9: Park

28 4 4
                                    


Ako daw? Selos? Pfft! No way!


Pumasok si Lanze habang nakatingin sa amin at biglang ngumiti. "Hi Girls!" sabi niya. Maka 'Girls' naman to, wagas!


"Hi Lanze!" sigaw naman ni Trixie at lumapit sa amin. Tumimgin si Lanze sa akin at sabi, "Hi Beautiful"


"Agiieee!" sigaw nila Leah, Kylle at Trixie. Ano daw? ako? Beaautiful? Thank you na lang. Bumalik ako sa upuan ko at nagbasa na lang ako ng Wattpad. 


"Hi Ganda" tumingin ako sa nagsalita at nakita kong nakatayo sa harap ko si Lanze. Naka smile pa siya ng sobrang haba. hay naku.


"Ano nanaman!" sabi ko. Naiinis na ako eh! Busy ako sorry.


"Ang ganda mo..." sabi niya. Maganda daw ako! ahihihihi! kilig much! Ay hindi. Inis much!


"Yun lang bang sasabihin mo? kung wala, umalis ka na lang sa harap ko" sabi ko at tinulak siya sa tabi ko. Magkatabi kasi kami diba?


"May sasabihin ako sa yo" sabi ulit niya. "Ano?! Maganda ako? alam ko na yan!" sigaw ko.


"Magkita tayo sa park mamaya. Diyan sa may lake. hihintayin kita" sabi niya at tumahimik na siya. Sa Park daw? okay.



___



"Frenie, Tara sabay ka na sa amin" sabi ni Kylle habang nagaayos kami ng bag. Dismissal na kasi namin.


"ah hindi na, may pupuntahan pa kasi ako. Bukas na lang ako sasabay sa inyo" sabi ko. Pupunta pa ako sa park na sinasabi ni Lanze.


"Agiee! pupuntahan niya si Lanze sa park! ayiee!!" sabi ni Kim. Ala. Alam niya! Ay oo nga pala! Nasa likod ko lang siya!  


"h-Hindi noh. Pupunta ako sa... umm...Sa University! kasi puntahan ko daw si ate Stacey eh" sabi ko. Wala ako ate Stacey ah, hahahaha! Umalis na ako sa Classroom at dali-dali akong pumunta sa park. ala. Ano kaya ang meron?Liligawan niya kaya ako? Sana nga!!! Ay hindi pala. Baka Magpapalibre ata yun ah. ARGH! asa niya! Nung na sa park na ko, nakita ko siya na may flowers na hawak at may nakapila na may roses. ito na ba yun? May nabasa akong ganito eh. Yung Sa The Four Bad Boys and me. Hala.


Lumapit ako isa isa at kinuha yung mga roses. Nagtataka sila bat ko kinuha yon. Nung na saharap na ako ni Lanze, humarap siya at nagulat. Bakit?


"FRENIE! ano ginagawa mo!" sigaw niya. Ano ba ginawa ko? Kinuha ko lang naman yung mga flowers na binigay niya sa aki!


"kinuha ko sa kanila" sabay turo yung mga lalake sa likod ko.


"Ito yung sayo!" sabay labas ng isang roses.  "at isa pa. Hindi ikaw ang bibigyan ko ng flowers! si Maris! magpapatulong ako sa yo na magbigay ng isang flower sa kanya! manliligaw ako sa kanya eh" sabi niya. BNinalik ko yung mga flowers at tumahimik na lang. Wow ah. napaasa ako.


nung dumating na si Maris, binigay na namin yung flowers at nung na sa harap na siya ni Lanze...


"Maris, pwede ba kitang ligawan?" tanong niya . 


"Yes!" sigaw ni Maris at nagyakapan sila. Grabe. Akala ko ako na. yun pala hindi... Nung natapos na yung lugawan na yan. Este Ligawan daw. umuwi na ako.

Your Instagram Friend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon