SPECIAL CHAPTER #1

18 1 0
                                    



A/N

Wala po munang Epilogue hehe... Special Chapter muna para masaya.  Then Si azalea po yung... basta ganun na. Si Azalea yung yung sa POV ngayon



____



Azalea's POV


Hayyyy.... bakit ba Math. Bakit kami yung pinapahanap dun sa X niya aishh! Scroll lang ako ng scroll dito sa twitter hanggang sa may nakita akong tweet nung lalaki na ang cute nung profile niya.


*Knocks*


"Come in" sabi ko at umupo sa kama. Biglang pumasok si Ate Noemi.



"Ano?" tanong ko kay ate. Weird siya ngayon kung tutuusin. -_-


"Kain na" sabi niya at umalis na. So yun lang pala kaylangan niya. Pumasok pa ng kwarto ko.


"WAAA!!!!" napasigaw ako dahil doon sa pumasok.


"Bangon na bangon na" sabi ni John Victor.


"Kanina pa ako bumangon noh! nakahiga lang ako dito kasi kakatamad gawin yung math na assignment!" sabi ko at tinapon ko yung pillow sa may paanan ko.


"Wag ka ngang ganyan! ang sama mo sa bisita!" sigaw niya at binalik yung unan ko.


"Bisita ka pala. Akala ko kasi Bwisita ka. LAYAS!" sigaw ko. Lumabas siya ng kwarto at pumasok ulit.


"Kunin ko na lang yung nagiisang chiken ah" sabi niya at ngumiti. Sinigawan ko siya at hinabol pababa.


"WALA NA YUNG CHICKEN!!!" napatingin ako sa may kusina at nakita ko si...


"JANUSA?! anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko.


"Malamang sinabi mo kagabi na punta kami dito para magtulungan sa may Math na assignment" sabi ni janusa.


"Ay oo pala noh. Si JV (John Victor) kasi! naggugulo kaya nakalimutan ko kung may bisita ako ngayon" sabi ko.


"Gawin na kaya natin yung math para end of topic na" sabi ni JV at pumunta sa kwarto ko. Bastos din to eh noh?


__



"Yasuo! natapos din!" sigaw ni JV at uminat para daw masaya.


"Nagisip ka ba John Victor? eh nangopya ka nga lang eh!" sabi ko.


"Ano ba yung ginawa namin dito? diba mag kokopyahan tayo?" sabi ni JV.


"JV! diba magtutulungan. magtulungan. eh wala ka ngang naishare eh" sabi ni janusa at kumuha ng juice sa table. 


"Magagagabi na! magsiuwi na kayo sa bahay niyo!" sigaw ko at binuksan yung gate at ayun, umuwi na sila at ako naman ay pumasok ng room ko para ayusin ang kama ko para makatulog na rin ako...



____


"Oy!" napatingin ako sa sumigaw at si Rhenston pala yun. Nandito na kasi ako sa quadrangle at pupunta na ako sa room.


"Bakit?!" sigaw ko sa kanya.


"Wala lang. Hehe. Sabay na lang tayo" sabi niya at nag lakad na kami papunta sa room...

.

.

.

"Nagawa niyo yung math?" tanong ni Lyra habang kinukuha yung math niya sa bag niya.


"Yah. Nagawa namin nila Janusa kahapon" sabi ko at pinahiram yung math ko sa kanya.

"Paano bang isolve yung number 3?" Tanong ni Jainah sa akin.

"Itanong mo si Janusa kasi siya yung nagsolve kahapon" sabi ko kay Jainah at tumango naman siya.


"Okay" sabi niya at lumapit na kay Janusa.

"AZALEAAAAAAAA!!!!"


"ANO!!!!!!!" Sigaw ko sa sumigaw sa may likod. "Bakit ka naninigaw Victor?!" sigaw ko.


"Yung Science pa pala!" sigaw niya.


0.0

"Ay! oo nga pla noh?! Gawin na natin habang may 20 minutes pa!" sabi ko at kumuha ng pad paper at nilagyan ng pangalan at ginawa na yung science...


___


*After Classes...*


"Victor, ano score mo?" tanong ko kay Victor.


"10/12 lang, ikaw?"


"12/12!" masaya kong sinabi. Parehas kami ni Janusa na naka 12 eh si Victor ay 10 lang kasi yung pagka graph niya sa number 3 ay mali. Naku talaga to.


"Azalea, Score mo?" Tanong ni Cristy habang hawak yung phone niya na naka open yung Wattpad.


"12, ikaw?" "12 din" masaya niya sinabi sa akin. Tumango na ako at nag paalam sa kanila.


" Pay Pay guys!!" sigaw ni Jayvee. (Bye bye yun kung di gets)


"Bye!" sabi ko at nag linis na ng room at umuwi na. Hayyy... Namiss ko na si Ate Frenie. Bakit pa kasi siya nagpaiwan sa Japan? ayan tuloy mag isa niya doon kasi si papa ay pumunta ng Europe kasi may business trip sila.


Hayyy...


____


A/N


Special Chapter po ito ni Azalea. Kasi po masyadong maikli yung story kaya po gagawa po ako ng mga special chapters. I hope you liked it. hehe...


Your Instagram Friend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon