YIF?! Chapter 16: Confused

19 2 1
                                    



Bakit... Magkasama sila ni Maris??


"Ang landi ni Maris!" sabi ni Kylle at papalapit duon sa dalawa.


"Wag mo silang lapitan kylle" sabi ko sabay hila sa kanya.


"Dapat turuan ng leksyon yang babaeng yan!" sigaw ni Kim at parang susugod na rin pero pinigilan ko sila.


"Baka Best Friend outing lang yan" sabi ko. "Kasi diba, wala naman gusto si Maris kay Lanze. Tinulungan niya si Lanze para maging kami eh"


"Okay, Fine. Basta kung makita ko pa ulit na magkasama silang dalawa lang, Kakalbuhin ko yung babaeng yun!" sigaw ni Kylle.


"Oo nga!" sabi naman ni Trixie. Umalis na kami sa Burnham park at dumeretso sa bahay namin. Nakakapagod ngayong araw na ito. Nung una ang cold sa akin ni lanze tapos ngayon, hindi man niya ako itext o tawagan?


*Kriinggg*


Kinuha ko agad yung celphone ko at inaccept kahit hindi ko alam kung sino to. Baka si Lanze. oo nga! Humanda siya sa akin...



"LANZE!! ANO BA ANG NANGYAYARI SA IYO?!!!" sigaw ko agad sa telepono. Alam ko kasi na si Lanze yu eh.


[Hindi ako si Lanze, Miss] huh? sino to? chineck ko yung tumatawag at ibang number. Hindi ko na save.


"Ay. Sorry. i though your lanze. Umm... Sino po kayo?" tanong ko.


"My name is Cheska at babalaan lang kita." sabi naman ni Cheska.


"B-Bakit?" tanong ko. Una pa lang may threats na akong natanggap. At ano kaya yon?


"Hiwalayan mo si Lanze at wag na wag kang lalapit sa kanya. EVER. Kung hindi mo yoon sinunod, mamamatay ka. Frenie Tomolnoc. This is a warning. Kung ako sayo iiwasan ko na si lanze" pagkasabi niya at binaba na niya yung tawag. Nagulat ako sa sinabi niya.


Hiwalayan at Iwasan si Lanze? Ang hirap non!


Iooff ko na sana yung phone ko pero biglang may nag text.


From: 09567******


: Hiwalayan mo at iwasan si Lanze. Kung gusto mo pang mabuhay


- MC


Huh? Sino si MC?



____


WEDNESDAY, 7:20 sa aking upuan.


Iniisip ko yung gagawin ko kapag nandito na si Lanze. Iiwasan ko kaya siya? papansinin ko pa rin siya. Wala naman si Cheska dito eh pati yung MC na yun. Nakita ko si Lanze na papalapit sa akin kaya kinakabahan na ako. Iiwasan ko kaya siya??


"Good Morning sweetie pie" sabi niya witha a smile. Hala! Iwasan ko kaya yung sinabi niya? Tumayo ako at umalis ng room para maiwasan ko na siya. Buti at hindi niya ako pinigilan!


"Frenie? saan ka pupunta?" tanong ni Kim.


"Umm... Samahan mo akong bumili ng ballpen" palusot na sinabi ko.


"Sige" sabi kiya at naglakad na kami papuntang canteen.



___


Cheska's POV


Umupo ako sa sofa at pinikit yung mga mata ko. Ang sakit ng head ko kakaisip sa lalakeng yun. Bakit ko kasi mahal yun? Minulat ko yung mga mata ko at nakita ko sa harap ko si Maria Charlene, My BFF.


"Okay ka lang ba?" tanong niya.


"Hindi. Ang sakit ng ulo ko eh" sabi ko.


"Kakaisip sa lalakeng yun?" tanong niya.


"yess..." sabi ko. Tinry kong buksan lalo yung mga mata ko at nakita ko si Fauzia na nakasandal sa may cabinet.


"Anong ginagawa mo dito, Fauzia?" tanong ko.


"Wala lang. Chinecheck ko lang kung kamusta ka sa pag papalayo doon sa dalawang yon" sabi niya at nagsindi ng cigar.


"Hindi ko alam kung iniiwasan niya talaga yung lalakeng yun" sabi ko sabay inom ng water.


"Don't worry. Gagawa naman tayo ng mga plans, right?" sabi niya.


"Yes" yun lang sinabi ko at pinikit yung mga mata ko.


Your Instagram Friend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon