__
Habang naglalakad kami ni cheska, parang nawala siya at napatingin ako sa kanan ko. Bakit nandito si Frenie? asan si Cheska?
"Frenie? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at sabi, "Kukunin kita kay Cheska"
"H-Hindi" sabi ko at nilayuan siya tumakbo ako papalayo para hanapin si Cheska. Anong ginawa ni Frenie kay Cheska? Habang tumatakbo, May nabangga ako.
"Lanze!" si MC pala itong nabangga ko.
"Oh! Maria Charlene! nakita mo ba best Friend mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Pero wala na yun" kumapit siya sa akin at ngumiti. Hindi ko maintindihan si MC.
"Saan mo siya nakita?" Tanong ko.
"Well, ako lang naman ang nagutos kay Frenie na hiwalayan ka niya para maging kayo ni Cheska para mapasaakin ka" sabi niya with smirk.
"B-Bakit mo to ginagawa?" tanong ko.
"Syempre mahal kita. Hindi ka babagay kay Cheska at mas lalong hindi ka babagay kay Frenie" sabi niya. Naalala ko pala. Nakipag break na ako kay Frenie. Pero bat ako nakipag break?
O.O
Kailangan kong balikan si Frenie!
"Hindi mo na mababalikan si Frenie" sabi ni MC.
"B-Bakit?"
"Kasi pinatay ko na siya at si Cheska"
___
Napabangon ako sa Higaan ko. Nanaginip ko? Tinignan ko yung orasan at mga 5 na pala. May pasok pa. Bumangon ako sa higaan ko para makapagready ako sa pasukan at para makausap ko si Frenie.
Nung na sa Classroom na ako, Wala pa si Frenie. Pero lagi naman siyang maaga ah? Bakit na late na siya?
"Good Morning class" hala. Dumating na yung Ma'am namin sa Math! Wala pa rin si Frenie!
"Absent si Miss Tomolnoc?" Tanong ni Ma'am.
"Late lang ata po maam" sabi ko.
"Ma'am. Diba may binigay na letter si Frenie kanina? Pupunta daw po siya sa Japan" sabi ni Leah. ANO?! Bakit mangingibang bansa si frenie?
"Oh. Yes. Pupunta pala siya sa Japan para Doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. so si miss Tomolnoc, wala na siya sa class ko" Hindi pwede! Pupunta din ako ng Japan.
__
Nandito ako sa harap nila Frenie at walang kailaw ilaw. So totoong pumunta siya ng Japan?
__
"Ma. Please" nagmamakaawa ako kay mama para pumunta ako sa Japan. Gusto kong makita si Frenie.
"Bakit ka kasi pupunta doon?" Tanong ni Ma.
"Kasi... Nandoon si Frenie. Please ma. Punta ako doon" sabi ko.
"Pupunta ka pa doon eh hindi mo alam kung asan siya doon" sabi ni Ma.
"Edi itanong ko sa kapatid niya" sabi ko.
"Ipupunta kita doon pero sa Sabado. Thursday pa lang. May pasok ka pa si bukas" sabi ni Mama.
"Friday night po ako aalis" sabi ko.
"Sige pero balik ka dito ng Sunday okay. Papayagan kitang pumunta sa japan kung sinabi nial yung House nila. Kung hindi nila sinabi wag ka nang pumunta. I think babalik din naman sila eh" sabi ni mama.
"Sure" pagkatapos naming magusap ni Ma ay pumasok na ako sa Room ko at inopen ko yung Laptop ko. Ayun. Online si Ate Noemi. Ichachat ko si Ate.
To Ate Noemi:
Ate. San kayo sa Japan?
Habang hinihintay ko yung reply ni Ate, nag open muna ako ng Twitter at nakita ko yungt tweet ni Azalea.
"Here at Tokyo, Japan"
Sa Tokyo? ano yung adress nila?
To: Azalea
Saan kayo sa Tokyo, Japan?
Bakit ang tagal nilang mag reply?
Humiga ako sa kama ko. Bakit ang tagal nilang magreply! kailangan kong pumunta ng Japan! Sinara ko yung mga mata ko at nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Your Instagram Friend?!
Romance[NEWLY UPDATED] Isang Araw, Bumili siya ng Phone. Pangarap niyang magkaroon ng kaibigan kahit sa text lang. Forever alone nga siya kaya kahit isang kaibigan, masaya nasya Pero sa susunod na araw... May nag follow sa kanya sa Instagram... ano kaya a...