YIF?! Chapter 19: Babalik

22 3 1
                                    


Lanze's POV


Napamulat ako ng aking mga mata at bumangon sa kama. Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at 4 na pala ng madaling araw. Bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto.


Yung feeling na namimiss mo yung mahal mo. Bakit pa kasi ako nakipag break kay Frenie? ARGH!!!


"Gising ka na pala" napatingin ako kay mama.


"Oh, ano. Sinabi ba nila kung saan sila nakatira doon?" Tanong ni mama.


"Hindi eh" mahina kong sagot.


"So hindi kita papayagan na pumunta sa Japan"


"Ma naman eh!" sigaw ko. Kailangan kong pumunta sa Japan.


____


Frenie's POV


"Ate, tubig oh" napatingin ako kay Azalea at ngumiti. Napaupo ako sa kama ko at kinuha yung tubig at ininom yoon.


"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa may pintuan at nandoon si Papa at ate. Nandito kami ngayon sa Japan para dito ipagpatuloy ang aking pagaaral. Pero hindi lang yoon, Kaya kami nandito sa Japan para layuan si Lanze dahil nakipagbreak na siya sa akin para lang doon sa Cheska na yon.


"Paano magiging okay si Frenie eh broken po siya" sabi ni Ate Noemi. Huminga ako ng malalim at binigay ko yung tubig kay Aza at napahiga ulit ako.


"Hay," lumapit sa akin si Papa at umupo sa tabi ko.


"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni papa. Huminga ako ng malalim at nagtago sa ilalim ng kumot ko.


"May mahal na daw po siyang iba kaya kami nag break" sabi ko. Tumango na lang si Papa at umalis na. Biglang lumapit sa akin si Azalea at sabi,


"Ate minessage ako ni Kuya Lanze na kung saan tayong part sa Japan. Ate, ano sasabihin ko?" 


"Wag mo siyang replyan. Never" sabi ko at sinara ko yung mata ko para matulog.


___


Lanze's POV


"Namiss ko na si Frenie" napatingin ako kila Kylle at lumapit sa kanila.


"Kylle, alam mo ba kung asan si Frenie ngayon?" Tanong ko kay Kylle.


"Sa Japan. Diba sinabi ni ma'am kahapon. Di ka nakikinig" sabi ni Kylle. What da--


"Hindi! alam mo ba na kung saan sa japan ngayon si Frenie?" Sabi ko.


"Ay. Syempre..."


"Syempre???" May pa pause pa tong nalalaman ha.


"... Syempre hindi" 


"Ano ka ba. Yun lang pala. may pa stop-stop ka pang nalalaman" sabi ko at aalis na sana ako pero may binigay sa akin si Kylle na papel. Tinignan ko yung papel at alam ko na kung saan yung Tinitirhan niya ngayon...

Your Instagram Friend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon