Haha! Hi guys! may sasabihin muna ako bago ko istart yung chapter 17 ng YIF?!. May sasabihin lang. Hanggang chapter 25 lang itong Instagram ha.
Then hanggang book three itong book kaya itatawag ko itong Instagram Trilogy. Sana magustuhan niyo pa yung mga next chapters. Hihi! hahabaan ko yung mga chapters sa Book 2 promise!
___
YIF?! Chapter 17: Noted
Frenie's POV
Habang nagkaklase kami ng AP, Hindi ko mapigilang tumingin kay Lanze. Natutulog pala siya. Parang gusto kong mag sorry sa ginawa ko kaninang umaga. Yung pang iisnob ko sa kanya.
"Frenie, Okay ka lang ba?" bulong na tanong ni Kim.
"A-ahh... Oo naman..." sabi ko at yumuko. Parang kasi may mabigat akong kasalanan ngay. Aish! kung sana wala akong natanggap na mga Threats galing dun sa Cheska at sa MC na yun!
Nung natapos na yung subject namin sa AP (Second to the last subject sa hapon), nakita kong nagising si Lanze at lumabas ng Room. Sa tingnin ko kasalanan ko talaga kaya nagkakaganyan si Lanze. Tatayo na sana ako para puntahan si Lanze pero dumating na yung Teacher namin sa Science. Last Period na namin to at uwian na. Napatingin ako sa katabi ko at wala yung bag niya. So dinala niya bag niya?
"Okay Class!!! Mag hanap kayo ng partner niyo" sabi ni Sir Clayton. Tinignan ko si Kim at partner na niya si Marcia. Tumingin ako kila Trixie at Kylle at mag partner na sila. Tumingin ako sa paligid at lahat sila may partner. Ako na lang yung wala.
"Miss Tomolnoc. Wala ka pa bang partner?" Tanong ni Sir Clayton.
"Umm... Wala pa po" sabi ko. Hala! baka nag cutting classes si Lanze! Ang bad niya! Kung kailangan ko siya, dun nawawala!
"Sige. Kayong tatlo na lang nila Mss. Velasco" tumingin ako kila Kylle. At least partner ko silang dalawa.
___
Nung Natapos na yung last subject namin, Kinuha ko yung bag ko at hinitay sila Kylle sa may pinto.
"Sasabay ka sa amin?" tanong ni Kim.
"Umm... Oo kasi wala naman si lanze, nag escape" sabi ko.
"Sa Burnham tayo" sabi ni Trixie.
"Sige" sabi naming tatlo at pumunta na sa Burnham. Nung na sa Burnham kami, Syempre nag bike kami, nag boat at nagpahinga sa Children's Park.
"Kakapagod!" sigaw ni Kylle.
"Oo nga!" sabi naman ni Kim.
"Uy! Sila Jayvee oh!" napatingin kami sa tinuro ni Leah at nandoon sila Jayvee, Kirsten, Ate Noemi, Silas, Seth, Erin the Lanze.
"Wait lang ha. Kakausapin ko lang si Lanze" sabi ko kila Kylle at lumakad papunta kila Ate Noemi.
"Lanze. Pwede ba kitang kausapin" sabi ko kay Lanze. Tumayo siya at pumunta sa may parang tower. Pagkaakyat namin, Hinarap ko siya agad
"San ka galing?" tanong ko sa kanya.
"W-Wala..." sabi niya at yumuko.
"Bakit ka nauutal?" tanong ko naman.
"K-Kasi... " tumigil siya sa pagsalita at nagsalita ulit. "Sorry..."
"Bakit ka nag sosorry?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako.
"Kasi..."
"Kasi?"
"Kasi..."
"ANO NGA?!" sigaw ko. Hindi ko mapigilang sumigaw.
"Kasi niloko kita! Happy?!" napatigil ako.
"N-Niloko.?"
"Oo. Kami na ni Cheska" sabi niya.
"S-Sinong Cheska?" Tanong niya.
"Wala ka na dun. Simula ngayon, Break na tayo" sabi niya at umalis. Ako nakatigil pa rin. Bakit niya ako niloko? ano ba ang ginawa kong mali?
Cheska yung pangalan ng bago niya. Ito kaya yung... Tumawag sa akin? Oo. Sya nga. Walang hiya yung babaeng yun. At yung MC na yun. Sino ba yun?
Naiinis ako sa kanila. Sobra. Umalis ako sa tiny tower at pumunta kila Kylle. Sasabihin ko yung mga nangyari...
BINABASA MO ANG
Your Instagram Friend?!
Romance[NEWLY UPDATED] Isang Araw, Bumili siya ng Phone. Pangarap niyang magkaroon ng kaibigan kahit sa text lang. Forever alone nga siya kaya kahit isang kaibigan, masaya nasya Pero sa susunod na araw... May nag follow sa kanya sa Instagram... ano kaya a...