YIF?! Chapter 11: What are you saying?

29 4 2
                                    


Frenie's POV


Ano daw ang sinabi ni Lanze? Girlfriend? Alam mo lanze, hindi kita maintindihan. 


"Hoy Lanze! ano ang sinabi mo?" tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan! Hinila ako ni Lanze papuntang Parking Area.


"Lanze! Ano ba ang nasa isip mo at sinabi mo yun sa harap ng kaibigan ko ha!" sigaw ko. And what does he thinking? 


"MANHID KA BA FRENIE? GUSTO KITA!" sigaw niya. Ako? Gusto? Gusto niya ako? Pero bakit? Diba may Maris na siya? bakit ako pa. Aalis na sana ako pero bigla niya akong hilain.


"Lanze bakit ako" sabi ko. "Kasi mahal kita" sabi nman niya.


"Diba... May maris ka na"


"Nauwi kasi ako sa pagiging Torpe eh. Dapat ikaw talaga yung bibigyan ko ng flowers pero... Nahihiya kasi ako eh. Kaya tinawagan ko si Maris na tulungan niya ako sa pangliligaw sayo per... Nahihiya talaga ako eh. Nung nakita ko yung Instagram mo, Nagandahan ako kaya na follow kita."


Okay. Ano daw? Haba ng sinabi ah. Hindi ko kaya yun!


"Ano daw?" Yun na lang nasabi ko.


"Sabi ko, Mahal na ata kita" Dug Dug! Oy Puso! tumigil ka nga!


"Ang haba ng sinabi mo kanina ah. edi sana sinabi mo na lang na 'mahal na ata kita' kanina pa" sabi ko.


"O-oy! sinabi ko na kaya kanina! tinanong mo kasi may maris na ako. kaya sinabi ko yun."


Oo nga noh?


"Pwede ba kitang ligawan?"

Your Instagram Friend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon