Tuesday na! Flag Ceremony na namin! Kailangan maaga para may points!!! Ginawa ko yung morning rituals ko at pumunta na kami nila Lanze, ate at Azalea sa School. Inagahan ko ha. 6:30 pa lang nandito na kami sa school. Ganon ang mabait na estudyante bwahaha!
"Good Morning sa dalwang love birds!" sigaw ni Kylle habang inaayos namin yung mga gamit namin ni Lanze.
"Good Morning!" Bati ko rin ^_^
"Morning" yun lang sinabi ni Lanze at umalis.
"Problema nun?" tanong niya.
"Hindi pa daw kasi na release sa pilipinas yung Pokemon GO" sabi ko. Pero sa totoo, tinatanong ko nga din yung sarili ko eh. Nagsimula kami ni Lanze sa girlfriend-boyfriend thingy so two days pa lang namin pero parang may problema na agad si Lanze.
__
Lanze's POV
ARGH! Bakit ko pa kasi iniisip yung napanaginipan ko kagabi?! Ano nga ba yung napanaginipan ko kagabi?
*Flashback sa Dream ni Lanze
Habang naglalakad kami ni ewan (hindi ko makita yung mukha. blurred eh) magkaholding hands daw kami ni ewan at parang may tumulak kay ewan at nakita ko si...
*End~~
___
Ayaw kong balikan yung dream na yan. Dream lang siya. Hindi iyoon mangyayari.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Maris na kinakausap si Hannah (Classmate ko)
"Hello Maris! ^_^V" sabi ko.
"Hello Ma--este Best!" sabi niya. Ma? what ma? sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa ground at hindi ko makita si Frenie. Asan yun? ang liit kasi kaya hindi ko makita. Habang nililibot ko yung ground, sa wakas. Nakita ko rin siya.
"yo! kanina ko pa kayo hinanahanap ha" sabi ko kila Frenie.
"Sino ba ang nangiwan?" tanong ni Kim.
"Ako-- ay! Sorry! nawala kasi ako. may iniisip eh" sabi ko.
"Ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Frenie.
"Ahmm.. wala. Sige punta na tayo sa line" sabi ko. Tumango si Frenie at pumunta na kami sa line. Possible kaya si Frenie yung tumulak sa babae??
So sino yung Babaeng kaholding hands ko??
____
Frenie's POV
Ano ba ang nangyayari kaya Lanze?! Sabi niya may iniisip siya pero kung tatanungin mo, wala daw. Promise. Ang gulong kausapin si Lanze.
"Class Dismissed" Lumabas na yung Professor namin sa Science at nagsisiuwian na yung iba.
"Kakausapin mo ba si Lanze?" tanong ni Trixie.
"Ewan ko ba dun" sabi ko sabay kuha sa bag ko at derestong umalis. Syempre hinintay ko pa sil Kylle. Nung kasama ko na sila, Umalis na kami without Lanze. Naiinis ako dun. Siya na Famous. Argh!
Habang na sa may Burnham Park na kami,
"Frenie! Si Lanze!" bulong sa akin ni Kim kaya napatingin ako sa tinuro ni Kim.
"Wala naman" sabi ko.
"Anong wala?" tanong ni Kylle.
"Nakita ko kaya si Lanze doon" Sabi ni Kim.
"Asaan?" Tanong ni Trixie.
"Nandoon sa may likod ng poste. May kasamang iba" sabi ni Kim. Pinuntahan nami yung sinabi ni Kim at may kasama nga si Lanze.
Si Maris...
BINABASA MO ANG
Your Instagram Friend?!
Romance[NEWLY UPDATED] Isang Araw, Bumili siya ng Phone. Pangarap niyang magkaroon ng kaibigan kahit sa text lang. Forever alone nga siya kaya kahit isang kaibigan, masaya nasya Pero sa susunod na araw... May nag follow sa kanya sa Instagram... ano kaya a...