Frenie's POV
Nakatingin lang ako sa bintana nung may sumigaw sa harap ng gate namin. Sinilip ko yung gate at nakita ko yung lalaking nangiwan sa akin at hindi na daw niya ako mahal.
Bakit siya nandito?
Huminga ako ng malalim at binuksan ko yung pintuan at nakita niya ako.
Bakit ako kinakabahan? Ex mo lang siya okay.
"Hi Frenie" sabi niya sa akin at kumaway. Tinitigan ko lang siya ng masama. Nakita ko na lang na may inabot siyang mga bulaklak sa akin.
"Flowers... For you" sabi niya at ngumiti. Pumunta ako sa gate at kinuha yung mga bulaklak at tinapon sa basurahan at bumalik sa loob ng bahay. Alam kong masama yung ginawa ko pero who cares? Diba hindi na niya ako mahal. Pero bakit niya ako binibigyan ng bulaklak? Patay na ba ako? Halloween ba? Multo ako? (Exaggerated na ako pero who cares... agin?)
"FRENIE! MAG USAP NAMAN TAYO!" sigaw niya sa labas habang ako naman ay naka lean lang sa pintuan na may luhang pumapatak.
"Please Frenie. Kahit anong gawin mo o pagtataboy, hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo ng usap" sabi niya.
"HI JACOB. Happy? umalis ka na at nagusap na tayo!" Sigaw ko. Nasasaktan ako. Pinipilit niya na mag usap kami. Kaya ayun kinausap ko para lumayas na.
"H-Hindi sa ganun! yung nagusap ng matagalan at mag-bati" sabi niya.
"Kausapin mo na lang sarili mo-- ay sa iba mong babae na lang. Sanay naman na akong iniiwan at nasasabihan ng hindi ako mahal" sigaw ko at napaupo sa floor. Hindi ko na kinaya.
"Please Frenie..." Alam kong umiiyak yan. Pero wala na talaga akong pake sa kanya kaya tumaas na ako at pumasok sa kwarto ko para matulog...
___
Nagising na lang ako nung tumunog yung Phone ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tumawag pala si Kylle.
"Hello? Bakit ka tumawag Kylle?" Tanong ko.
[Ang dami mong na-miss na projects, assignments, qu-- ay wala ka na pala sa school hehe] sabi niya . Oo nga pala. Tapos na rin akong mag-aral sa Japan. Parang nag bakasyon lang ulit ako dito sa Pilipinas.
"Hahaha, Namiss na kita" sabi ko habang bumangon ako sa kama.
[Ako din. Ikaw lang kasi yung pinaka mabait sa Classroom eh] sabi niya.
"Mamaya ka na lang ulit tumawag kasi magluluto pa ako ng dinner ko" sabi ko.
[sigeee. Byee besspren] sabi niya. Pinatay ko na yung tawag at bumaba para mag luto. Habang nagluluto ako, May naalala ako kay deretso kong pumunta sa labas at nakita kong nakaupo si Lanze sa mga damuhan sa labas. Napansin niyang lumabas ako kaya tumayo siya.
"Hi" sabi niya.
"Wag mo akong i hii diyan. Umuwi ka na" sabi ko.
"Ayaw ko" pilit niya.
"UMUWI KA NA SABI!" sigaw ko. Nakakairita na to ha.
"Ayaw" sabi niya. Ayaw niya ha? Pumasok ako sa bahay at kumuha ng mainit na tubig at bumalik sa labas.
"Ano yan?" Tanong niya.
"Maligo ka na" sabi ko at tinapon yung mainit na tubig. Nakiwisa siya pero may konting tubig na tumalsik sa braso niya kaya napa-aray siya.
"U-m-a-l-i-s--k-a--n-a--k-a-s-i" sabi ko. Nakita kong nagalit siya at umalis. Napa hinga ako at pumasok sa bahay.
___
Habang nag reready ako para matulog, Narinig kong tumunog yung Phone ko at nakita ko na may message ako sa Instagram. Pagkakita ko. Nagulat ako kung sino ang nagmessage sa akin...
Cheska_Pretty980
AKIN LANG SI LANZE. WAG NA WAG MO SIYANG AAGAWIN SA AKIN!
---
Napa taas ako ng kilay. Ako? Aagawin ko si Lanze? NO WAY!
Simula ngayon, Lanze at Cheska. Kayo na ang magiging Rival ko sa buong buhay ko.
Kayo ang aking Instagram... Enemy.
___
Sana po nagustuhan niyo yung SOOOOBRANG slow UD. PEr this is it po. Dito ko na po itatapos yung Story pero don't worry, May Book 2 po ito entitled "Your Instagram Enemy" By me pa rin.
Mag babati pa kaya si Lanze at Frenie? Malalaman po natin ito sa BOOK 2...
BINABASA MO ANG
Your Instagram Friend?!
Romance[NEWLY UPDATED] Isang Araw, Bumili siya ng Phone. Pangarap niyang magkaroon ng kaibigan kahit sa text lang. Forever alone nga siya kaya kahit isang kaibigan, masaya nasya Pero sa susunod na araw... May nag follow sa kanya sa Instagram... ano kaya a...