DRAGONAIA: Rage of Athena
Chapter Three
"Aeira's Dilemma""SINO KA?" Bungad kay Athena ng kasambahay nilang si Yaya Mel pagkabukas niya ng pinto. Siguro hindi siya nito namumukhaan. Nagpabili kasi siya ng sunglasses kay Sky para hindi nila makita na iba ang kulay ng mga mata niya.
"It's me Yaya Mel" kalmadong sagot niya.
Nang marinig naman ni yaya Mel ang boses ng alaga niya ay agad niya itong pinapasok.
"Athena! Naku bata ka! Halika pasok. Saan ka ba nagpunta? Eh kagabi ka pa namin hinahanap ah. Nag-aalala na ang mommy't daddy mo. Pati sina Cara hinahanap ka. Bigla bigla ka raw nawala sa parti niya. Ano ba ang nangyari sa iyo?" sunod-sunod na tanong ni Mel na hindi napigilang pagsabihan ang dalaga. Kahit naman kasi hindi niya ito kadugo ay parang pamilya na ang turing niya rito lalo pa't ganoon din ang turing ng mga ito sa kanya at sa lahat ng katulong nila.
"Uhm, may pinuntahan lang ako. Hindi na ako nagsabi. Sina mommy?" Balik-tanong naman ni Athena. Iniiwasan ang susunod na maging tanong sa kanya ng kanyang yaya.
"Nandoon, sa kuwarto mo. Puntahan mo na 'pagkat labis-labis na ang kanyang pag-aalala."
Napangiti siya sa sinabing iyon ni Yaya Mel. Mahal talaga siya ng mga taong umampon sa kanya at itinuturing na tunay na anak.
Now she's having second thoughts kung kaya ba niyang saktan ang mga ito sa pagsasabing gusto niyang makasama ang kanyang tunay na magulang. But remembering the faces of her real parents showing hardships and sorrow, mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang makasama ang mga ito.
Anong gagawin niya? Tama ba na saktan ang mga taong nagmahal sa kanya para lamang mapasaya niya ang mga taong hindi naman niya lubusang kilala ngunit sila ang pinanggalingan niya at hanggang ngayo'y ipinapahanap siya?
Anong pipiliin niya? Ang kanyang mommy na ngayo'y umiiyak dahil sa pagkawala niya ng isang gabi o ang kanyang inang hanggang ngayo'y nahihirapan sapagkat hindi siya nakasama?
In the end, she decided it would be best if she'd tell her adoptive parents that she knows the truth. Masasaktan ang mga ito, alam niya, pero mapapalaya rin sila sa pagsisinungaling sa kanya.
Humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng kanyang kuwarto kung saan naroroon ang kanyang mommy. Huminto muna siya sa harap ng pintuang may nakaukit na Athena para magtipon ng lakas. Nagpakawala rin siya ng ilang buntong-hininga upang pakawalan ang hanging tila bumabara sa kanyang lalamunan bago pinihit ang seradura at saka pumasok sa loob.
Nakita niya ang mommy niya na nakaupo sa kanyang kama habang nakatalikod sa kanya. Hawak-hawak nito ang stuffed toy na teddy bear na iniregalo sa kanya noong siya ay apat na taong gulang.
The sight of her mommy's bent head and withered shoulder somewhat hurt her. She can tell by the way she looks that her mommy is depressed just because she was gone for a night and they didn't know where she went. She is now torn between two choices pero itutuloy parin niya ang binabalak.
Lumapit siya sa kinikilalang ina.
"Mommy.."
Pagkarinig sa boses ng anak ay agad na lumingon ang ginang na tinawag. Gumuhit sa mukha nito ang tuwa nang masilayan ang mukha ni Athena. Naluluha itong lumapit sa anak at saka ito niyakap.
"Where have you been? I was worried sick. Hinanap ka namin kagabi pero hindi ka namin makita. Saan ka ba nagpunta?"kumalas siya sa pagkakayakap kay Athena saka hinawakan ang mukha nito. Tila sinisiguradong wala itong natamang sugat or galos. Mahal niya ang anak and she doesn't want anything bad to happen to her. Nag-aalala siya ngunit natutuwa ring makita ito na maayos at hindi nasaktan gaya ng inaakala.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasySi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...