DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER TWENTY TWO
"Legend of the Two Dragons"
MASAMANG-masama ang loob ni Athena kay Sky sa pag-aakala nitong nagsisinungaling siya. Kung tutuusin, hindi naman masyadong malaki ang kasalanan nito para ikagalit niya nang husto ngunit ewan ba niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang kung siya ay makaasta. Nakabunsangot ang kanyang mukha habang nakadungaw siya sa may bintana. Pinapanood niya ang ilang Dragonaiang nag-eensayo sa bakuran nila. Martial arts at paggamit lamang ng mga metal na sandata ang kayang gawin ng mga ito sapagkat kinuha sa kanila ni Drya ang kanilang kapangyarihan.Biglang nakaramdam ng lungkot si Athena. Nalalapit na kasi ang araw ng kanilang pagpunta sa Dragonaia. Iniisip pa lamang niya ay nasasaktan na siya sapagkat hinid na niya makakasama ang mga taong napamahal na sa kanya. Wala pang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba siya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Kung sana’y panaginip lamang ang lahat.
Napaigtad siya nang makarinig ng mahinang katok sa pintuan.
She decided to stand at buksan ang pinto. Iniluwa niyon si Sky.Nakaramdam tuloy siya ng guilt dahil sa inasta niya kanina. Suddenly, a tension grew between them but she chose to make the first move. Hihingi siya ng tawad kay Sky.
“Sorry-“, sabay na sabi nila.
“Ikaw na muna-“
“You first, prin-“
Sabay uling sabi nila.Napatawa na lang siya ngunit napalakas ang pagtawa niya nang sabay muli silang tumawa ng binata. Unti-unti na ring nawawala ang tension sa pagitan nila.
“Sorry if I have been such a bitch lately”, sa wakas ay nasabi niya.
“No problem. I can deal with that anytime. Sorry rin sa nasabi ko. It’s not what I meant but I think it got to you in a different sense.”
“Friends uli?”, inilahad niya ang palad niya kay Sky. Inabot naman nito iyon.“Forever”, sapat na ang kislap sa mga mata ni Sky upang hindi makita ni Athena ang pait, lungkot at sakit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. ‘Friend’. Iyon lang naman ang papel niya sa buhay ng prinsesa. Isang kaibigan. Kaibigan na patuloy na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Pumasok si Athena sa kuwarto niya at naupo sa kama. Sumunod naman si Sky saka naupo sa upuan sa tabi ng kama.
“So, my Dad told me that what you said a while ago was true. Can I see your spirits then?”, tanong ni Sky.
Tumingin sa kanya si Athena nang may pagatataka ngunit hindi na ito nagtanong.
“Sure”, sabi nito sabay tayo. “But not here of course. Tara sa training field!” Nakangiting sabi nito.
Pinili nilang magpunta sa ground kung saan walang masyadong halaman o mga gamit.
“Stay back”, nakangising sabi ni Athena. Iyon kasi palagi ang litanya ni Sky kapag nagpapalit ito ng anyo.
“Okay”, umatras si Sky.
In a dramatic way, Athena clasped her hand together and closed her eyes. It wasn’t really necessary but she wants to do it magically.
“By the power of the sun, the moon and the wind, I am summoning my spirit by her name,” she paused.
Tumingala siya sa kalangitan. Ibinukas niya ang kanyang mga mata sabay sigaw ng“Laria!”
Isang asul na liwanag ang lumabas sa dibdib niya. Nagsimula itong mabuo sa anyo ng bola. Lumutang ito sa ulunan niya saka ang anyo ng puting Dragon ay tuluyang nabuo.
“You summoned me princess”, sabi nito bago yumuko.
“Yes Laria. May isang tao kasi dito na hindi naniniwala na totoo ka. I just want him to know that you are real that’s why you’re here”, sabi niya. Nakangiti niyang binalingan si Sky na ngayo’y nakanganga habang nakatingin sa puting Dragon na nagliliwanag sa likuran niya.

BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasíaSi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...