(Warning!! This Chapter is unedited, yet)
DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER TWENTY-ONE
“Emotional Princess”( It’s up to you to understand why this Chapter is entitled as it is)
“Sky ano ba talaga ang mayroon sa mga Kingdrans?”, tanong ni Athena kay Sky. Hapon na at kasalukuyan silang nasa balcony habang kumakain ng cake.
“Bakit mo naitanong?”, tanong din ni Sky saka sumubo ng strawberry cake.
She shrugged. “I’m curious?”
“The only thing I know about them is that they’re more powerful than us. Iyon lang.”, itinuro siya nito gamit ang tinidor na hawak nito. “But of course, you are more powerful than them”, sagot nito habang ngumunguya.
‘If I am more powerful, how come I can’t transform without them?’ Tanong ni Athena sa sarili.
Napansin ni Sky ang pananahimik ni Athena. Maya-maya ay tumayo ito at pumasok sa loob.
“Saan ka pupunta?”, tanong sa kanya ni Athena.
“May kukunin lang ako, babalik din ako agad.”, sagot niya.
Pagkabalik ni Sky ay may iniabot siya kay Athena.
“Ano ito?”, tukoy ni Athena sa isang makapal na libro na iniiabot ni Sky.
“Ito ang libro ng Dramavticia. Nakapaloob dito ang buong kasaysayan ng Dragonaia. Hindi ko lang alam kung may makikita kang tungkol sa Kingdria though alam kong diyan mo malalaman ang sagot tungkol sa mga Kingdrans.”, sabi ni Sky. “Pero I doubt na kumpleto ang impormasyong makukuha mo riyan”.
“Thanks Sky”, sabi ni Athena. Tumayo siya upang kunin sana ng maayos ang libro sa kamay ni Sky ngunit pabagsak nitong inilapag ang makapal na libro sa mga palad niya. Muntik na siyang mapasubsob dahil sa bigat ng libro kung hindi lamang niya binalanse ang sarili. Tinignan niya ng masama si Sky.
Ngumisi lamang ito sa kanya bago nagtungo sa upuan nito at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Jerk!”, padabog siyang bumalik din sa kanyang upuan.
Binuklat niya ang libro ngunit kumunot ang noo niya nang makitang wala namang nakasulat dito. Puro blanko ang mga pahina nito.
“What?!”, ilang ulit niyang binuklat ang libro ngunit wala talagang nakasulat sa mga pahina nito.
“Arggh!”, pinaikot niya ang kanyang mata bago tinitigan si Sky habang nakataas ang kilay.
Nakita niyang nakatingin ito sa kanya habang nakatawa.
She crossed her arms. “What’s this Sky? Pinaglalaruan mo ba ako?”, naiinis na tanong niya.
Nawala ang ngisi nito nang tinitigan niya ito ng masama. Napakamot ito ng ulo saka nagsalita. “Hindi ka naman kasi nagtanong eh”.
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Excuse me, ikaw itong nagbigay sa akin ng librong walang laman tapos ako pa ang sinisisi mo? Sinong niloloko mo?”
“Sorry na. Ikaw naman, hindi mabiro”, bubulong-bulong na sabi ni Sky habang umuupo sa harap niya.
“Kapag ako nainis na talaga, hindi lang mukha mo ang gagawin kong yelo!”
“Nag-sorry na nga ako hindi ba?”
Tinitigan niya lamang ito.
Kinuha ni Sky ang libro sa mga kamay niya at iniharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasíaSi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...