PROLOGUE

2.8K 80 27
                                    

This story is fiction! Any words and scenes that are the same with other stories are pure coincidence. Any place in this story that is existing is only an accident. Names of the characters that resemble any people living or dead are also coincidental.

© All rights reserved! No parts of this story can be changed or tampered in any way and thus cannot be distributed by any means in any form. Plagiarism is a crime!

If ever you find this story inappropriate then you can pm me so that we can settle it.
-kleocy

"Muli kong ipinaa-alala na TagLish itong istorya. Maraming maraming salamat"

------------
Nagising si Athena sa isang hindi pamilyar na silid. Nagtataka siyang bumangon mula sa malambot na kama. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at pinagmasdan ang paligid.

Makulimlim ang silid na iyon na kung wala ang lampshade na nakalagay sa lamesa sa tabi ng kama ay magiging napakadilim doon.

Bahagyang nangunot ang kanyang noo. Pinaliit niya ang kanyang mga mata para alalahanin kung ano nga ba ang nangyari sa kanya at kung paano siya napunta sa silid na ito.

Ang tanging naaalala lamang niya ay ang pagpunta niya sa tabi ng swimming pool para ibabad ang kanyang mga paa at pagkatapos niyon ay wala na siyang ibang maalala pa.

Ano nga ba ang ginagawa niya sa silid na ito na hindi naman mabaho ngunit amoy...lalaki? Sino ang nagdala sa kanya rito? Ito ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan nang makarinig siya ng kaluskos mula sa kanyang kanan.

"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo Athena?" ani ng tinig na pag-mamay-ari ng isang taong kakilala niya.

"Sky? Ikaw ba iyan?"

"Ako nga, mahal na prinsesa"
Lumitaw ito mula sa madilim na bahagi ng kuwarto. Pumitik ng dalawang beses at kusang bumukas ang ilaw na nagpaliwanag sa buong silid.

Napapikit siya ng ilang sandali sapagkat nanakit ang kanyang mga mata mula sa pagkasilaw. Naguguluhan man ay pilit na inaninaw ni Athena ang binatang kasalukuyang nakatayo sa kanyang tabi. Makikita sa kanyang mukha ang pagkalito dahil sa sinabi nito sa kanya. Nagtataka ang mga mata niyang nakatitig dito.

"Ano'ng pinagsasasabi mo?" tanong niya rito.

"Athena, sa maniwala ka at sa hindi, ikaw ang nawawalang prinsesa ng Dragonaia. Ikaw si prinsesa Aeira, ang nag-iisang anak nina Haring Drago at Reyna Alyana. Hindi ka lamang isang simpleng tao Athena, ikaw ay isang Dragonaian, at hindi lamang ordinaryong Dragonaian, ikaw ang Dragonair, ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat. Ikaw ang aming tagapagligtas, ang aming magiging pinuno na lalaban sa kasamaan. Ikaw ang tanging pag-asa ng Dragonaia Athena, o mas nararapat lamang na tawagin kitang, Prinsesa Aeira" kasabay ng pagbigkas nito sa mga huing salita ay lumuhod ito at yumuko habang ang dalawang kamay ay magkahawak sa kanyang harapan kung saan nakapatong ang kanyang noo. Isang gawaing tanda ng paggalang sa isang Dragonaiang maharlika.

Nananatili namang nakatingin lamang sa kanya ang dalaga, kumukurap-kurap ang mga mata habang ang bibig ay bahagyang nakaawang pa. Nagtataka siya sa pag-iiba ng pananalita ng kaibigan niya.

"I must be dreaming. I want to wake up now". Pumikit siya at nahiga muli.

Tumayo si Sky at muling nagsalita.

"Hindi ito isang panaginip, mahal na prinsesa. Bilang patunay, pagmasadan mo ang iyong mga braso. Nasa iyo ang simbolo at marka ng isang tunay na maharlikang Dragonaian."

Sinipat nga niya ang kanyang mga braso at doon niya napatunayang siya nga ay nananaginip lamang.

Paanong nagkaroon ng mga sulat ang kanyang mga kamay? Mga sulat na hindi niya ang kung ano ang ibig sabihin?

Kinagat niya ang kanyang braso ngunit kaagad din niyang hinimas ito.

"Pucha ang sakit!". Napamura siya nang makaramdam ng matinding kirot mula sa kanyang kagat.

"Huwag mong saktan ang iyong sarili mahal na prinsesa. Hindi niyan mababago ang iyong tunay na pagkatao, at ang kapalarang naghihintay sa iyo"

"Paano mo nasasabi ang mga iyan?" Nagtataka at bahagyang naiinis na tanong niya rito.

"Ito na lamang ang magpapaliwanag sa iyo"

Isinuot ni Sky kay Athena ang isang kuwintas na may palawit na hugis diyamante na tila may lamang kakaibang likido.

"Close your eyes" utos nito sa kanya. Sumunod naman siya rito.

Sa sandaling naisuot na niya ang nasabing kuwintas, may nagpakita na iba't ibang larawan sa kanya kahit nakapikit ang kanyang mga mata. Para iyong isang palabas sa tv na sa utak niya pinapanood.

Tila mga ala-alang bumabalik sa kanya ang napapanood niya sa kanyang utak at parang isang mahika na nakapasok siya roon. Nakapasok siya sa isang ala-ala!

Naroon siya sa isang hindi pamilyar na silid. Malawak iyon at maaliwalas. Napapalamutian iyon ng iba't ibang klase ng dekorasyon na maayos na nakalagay sa paligid. Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa makakita siya ng isang napakagandang kuna na sa tingin niya ay gawa sa ginto at mga diyamanteng may iba't ibang kulay na kumikislap pa habang nasisikatan ng araw.

May nakaukit sa ulunan nito na tila pinaghalong simbolo ng apat na elementong : tubig, apoy, hangin at lupa na napapaligiran ng dalawang pakpak. Alam niya ang mga simbolong iyon sapagkat kinahiligan niya noon na manood ng Avatar. Nagtaka pa siya nang makita ang mga ganoong simbolo sa lugar na ito.

Parang may kung anong puwersa na nagtutulak sa kanya para lumapit sa nasabing kuna. Nilapitan nga niya ito at sa kanyang pagkamangha ay nakakita sya ng isang sanggol na mahimbing na natutulog. Isang sanggol na ang buhok ay kakulay ng lupang napatakan ng tubig-ulan.

Tila naramdaman naman ng sanggol na may nakamasid sa kanya. Kumilos iyon paharap sa kanya at unti-unting nagmulat ng mga mata. Parang naantig naman ang kanyang damdamin sa isang pares ng asul na mga matang sa kanya'y nakatingin. Kumilos ang mga labi nito at ngayo'y isang napakagandang ngiti naman ang iginawad nito sa kanya.

Sa sandaling ngumiti ang sanggol, parang may puwersang humigop sa kanya papasok sa maliit nitong katawan. Hindi siya makapaniwala,! Siya at ang sanggol, ngayo'y naging isa!

Pumikit siya at muling dumilat. Ngayo'y may nakikita siyang isang lalaki at isang babaeng nakasuot ng korona at mga damit na tanging hari at reyna lamang ang maaring magsuot.

Kinarga siya ng babae at masayang hinalikan sa pisngi. Naramdaman niyang naglakad ang mga ito at nakita nga niya kung saan sila patutungo.
Nakita niyang papunta sila sa isang malaking bintana kung saan nakakita siya ng isang Dragon na tila hinihintay sila.

Sumakay ang dalawang taong sa tingin niya ay ang mga magulang niya sa Dragon at saka sila inilipad palayo.

Napalitan muli ang ala-alang kinaroroonan niya at ngayo'y mahimbing siyang natutulog sa kanyang kuna. Ngunit nagambala ang kanyang pagtulog nang maramdaman niya ang isang pares ng magaspang na mga kamay ay bumuhat sa kanya. Nabalot ng takot ang munti niyang puso. Nagpakawala siya ng isang matinis na iyak upang makahingi ng saklolo ngunit huli na. Napunta na siya sa lugar na malayo sa kanyang ama at ina.

Napalitan ang tila mga ala-alang nakikita ni Athena sa kanyang utak. Naroong nakakita siya ng naglalabang mga taong may kakaibang kasuotan at may kakaibang anyo. Nakita niya ang pagsakop ng mga hindi niya kilalang mga tao sa kaharian na punamumunuan ng kanyang ama't ina. Nakita niya ang pagkamatay ng napakaraming Dragonaian. Ang pagkawasak ng Dragonaia at ang hirap na dinanas ng kanyang tunay na ama at ina.

Napuno ng poot at lungkot ang kanyang puso. Poot para sa mga taong lumikha ng gulo, sa taong nagdala sa kanya sa lugar kung saan malayo siya sa kanyang tunay na pamilya.

At lungkot para sa hirap na dinanas at dinaranas ng mga kalahi niya.

Isa lamang ang naroon ngayon sa isip ni Athena,

"Magbabayad din sila!"
--------------

DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon