DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER TWENTY
"The Dragons in Me"NANG imulat ni Athena ang kanyang mga mata ay nabungaran niya ang hindi makapaniwalang mukha ng kanyang lolo. Bakas sa may katandaang mukha nito ang pagkagulat at, pagkadismaya.
“Lo?”, tanong niya.
“I don’t understand”, sabi nito matapos ang ilang sandaling pananahimik. “You glowed but, you’re still, human.”
Itinaas niya ang kanyang mga kamay. Oo nga. Tao pa pala siya at hindi siya nag-anyong dragon. Naiiyak na napaupo siya.
“Hindi ko maintindihan. Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi niyo”, pinunasan niya ang kanyang luhang tumutulo sa pisngi niya. She’s feeling frustrated right now. Akala niya ay madali lang ang pagpapalit-anyo pero tanghali na ngunit hindi pa rin niya nagagawa. She followed everything they told her pero wala pa rin! May mali ba siyang nagawa? May mali ba sa kanya?
“Hey, don’t lose hope. Malalaman din natin kung ano ang mali sa iyo”, sabi ng lolo niya.
Hindi niya alam kung magagalit siya o maiinis sa sinabi ng kanyang lolo. She loves him alright, but those words aren’t helpful. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. Nakakatawa lang kasi. She’s the most powerful Dragonaian and yet she cannot do a simple transformation. Ironic right!? Not.
“Your Majesty!” sabay silang napatingin sa isang sundalong Dragonaian na kararating lamang.
“Your highness”, yumuko ito sa harap niya bago muling humarap sa kanyang lolo.
“I’m sorry to interrupt your presence is needed in the royal chamber. A messenger from Phyrace has just arrived.”, narinig niyang ulat nito.
“I’ll be with him soon”, sagot ng lolo niya.
Muling yumuko ang sundalo sa harapan nila bago umalis.
“Maiwan muna kita Aeira, may importante lamang akong aasikasuhin”, seryosong sabi nito sa kanya.
Gusto niya sanang alamin kung ano iyon pero mabilis itong tumalikod at sumunod sa sundalo. Nagkibit-balikat na lamang siya habang inihatid ito ng tingin.
---------
Naiwan siyang nag-iisa. Maaari naman siyang bumalik din sa mansyon pero gusto muna niyang makapag-isip. Nakakatulong naman sa nais niya ang pagkatahimik ng paligid. Tanging mga huni ng ibon ang kanyang naririnig. Pumikit siya at huminga ng malalim. Dinama niya ang malamig na hanging sumasalubong sa kanya.This is just what she needs right now, a time for her to relax. These past few days had been so stressful and tiring. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapag-palit ng anyo. Dumilat siyang muli upang pagmasdan ang tubig sa lawa. Napakasarap pagmasdan ang kulay asul na tubig na kumikislap-kislap sa tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Nakakapang-akit ang maliliit na alon at tila napakasarap magtampisaw sa tubig.
Dala ng mainit na sinag ng araw pati na rin ang mapang-akit na tubig sa lawa, nagdesisyon siyang maligo muna. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt at pantalon. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng sando at itim na shorts. Inalis rin niya sa pagkakapusod ang kanyang buhok. Tinangay ng hangin ang ilang hibla ng malaginto at aalon-alon niyang buhok na may highlights na blue.
Lumusong siya sa tubig upang magpalamig. Kagyat siyang nanginig nang lumapat ang malamig na tubig sa kanyang binti ngunit paglipas ng ilang minuto ay nasanay na rin ang katawan niya sa mababang temperatura. Lumangoy siya papunta malalim na bahagi ng lawa. Sinubukan niyang tumayo. Hanggang leeg na niya ang tubig. Ikinumpas niya ang kanyang paa at kamay upang palutangin ang kanyang katawan. Matagal na rin siyang hindi nakakapag-float sa tubig.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasíaSi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...