DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER THIRTY TWO
"Treaty Sealed"
ISANG makapangyarihang tinig ang narinig nila.
"Jaeda!"
Nilingon ni Jaeda ang pinanggalingan ng boses.
"Aeira", sambit ni Sarrena nang mahimigan kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Ganoon na lamang ang tuwa niya sa pagdating ng mga ito. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang sabihin ang naging desisyon nang marinig niya ang sigaw. Mabuti na lamang at hindi nahuli ang mga ito ng dating. Taimtim siyang nagpasalamat sa Amang Hari ng lahat.
"Dragonair!", galit sa sambit ni Jaeda. Nakita niya ang kanyang pinsan sakay ng isang Dragon na lumilipad patungo sa kanila. Noon lamang niya napansin na marami sa mga tauhan niya ang bumagsak. Sa dibdib ng mga ito ay may nakatusok na palasong gawa sa yelo.
Nagpakawala si Athena ng ice ball patungo sa kadena sa paa ni Sarrena. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at ang kadena ay nagkapira-piraso.
Bago pa mapagtanto ni Jaeda ang balak ng pinsan, muling ikinumpas ni Athena ang mga kamay nito na nakatuon sa direksiyon ni Sarrena.
Umangat si Sarrena sa ere at dahan-dahang lumipad patungo sa kinaroroonan ni Athena. Sinubukang pigilan ni Jaeda ang pag-anat noi Sarrena ngunit isang malaking ice ball ang ipinasibad ni Athena patungo sa kanya. Maingat na hinila ni Athena si Sarrena saka ito ipinahiga sa likod ni Sky.
"Take her to a safe place", utos niya sa kaibigan. Bago siya tumuntong sa balkonahe, inilagay niya ang Gem of Life na ginawa niya sa kamay ni Sarrena.
Lumipad si Sky pababa. Nag-palit siya ng anyo at agad na binuhat si Sarrena.
Pinaupo niya ito sa isang bato.
"Use the gem to heal yourself, princess! I need to help up there", sabi ni Sky. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Sarrena. Agad itong nagpalit-anyo at sumugod sa mga kapwa niya Dragon sa himpapawid.
Mabilis na naghilom ang sugat ni Sarrena. Ngayon, magagawa na niya ang kanyang binabalak. Tumayo siya. Muling ibinuka ang mga kamay at ipinikit ang mga mata.
---
"Talagang ginagalit mo ako, Aeira! Papatayin na talaga kita!", sigaw ni Jaeda at sinugod si Athena. Sinalubong siya ng huli ng ice ball na nailagan naman niya.
"You know, don't speak out what your plan is or it will never happen", nakangising sabi ni Athena. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagpapakawala ng iceball.
Sinalubong ni Jaeda ang mga ice ball ni Athena ng mga fireball.
"Hindi mo ako matatalo this time!", sigaw ni Jaeda na tinawanan lamang ni Athena.
Sinugod ni Jaeda si Athena tangan ang espada nito. Iwinasiwas nito iyon sa harapan ni Athena saka buong lakas na tinaga ang pinsan.
Nailagan ni Athena ang pagtaga ni Jaeda. Gumawa rin siya ng ice sword at iyon ang ipinangsangga sa espada ng pinsan niya.
While their swords clashed, Athena gave Jaeda a forceful kick on the stomach. Napayuko si Jaeda hawak-hawak ang tiyan.
Nanlilisik ang mga mata nitong muling sinugod si Athena.
Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban, unti-unting pinapasok ng tubig ang air barrier na nakapalibot sa kaharian. Unti-unting napupuno ng tubig ang kaharian ng Phyrace!
Naramdaman ng mga Physsian ang pagkasira ng air barrier at ang pagpasok ng tubig. Nakaramdam ng takot ang mga ito. Malapit nang maubos ang isang oras nila! Kapag napuno ng tubig ang kaharian ng Phyrace, malulunod sila! Tumingin sila sa kinaroroonan ni Jaeda. Abala ito sa pakikipaglaban. Lalo silang nangamba nang makitang ang Dragonair ang kalaban nito. Iisa lamang ang iniisip nila, kailangan nilang tumakas!
![](https://img.wattpad.com/cover/58687993-288-k993401.jpg)
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasiaSi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...