CHAPTER TWENTY FIVE: "Heartbreak, Heartache"

433 17 1
                                    

DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER TWENTY-FIVE
“Heartbreak, Heartache”

TAHIMIK ang grupo nina Cara nang gabing iyon. Nakapalibot silang mag-babarkada sa isang bonfire. Pinag-uusapan nila kung ano ang sasabihin nila kina Athena at Sky kapag nagkita-kita na sila.

“Hayaan na lang kaya nating sila na ang unang magsabi?”, suhestiyon ni Floyd.

Napag-usapan na nila kanina na iko-confront nila ang dalawa pagkabalik nilang lahat sa Maynila.

“At kailan kaya iyon mangyayari? Kung hindi nga dahil kay Mikee, hindi natin malalaman na may milagrong ginagawa pala ang dalawang iyon eh”, sabi ni Veronica.

“She has a point”, sabad ni Vlad.

“Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa sa atin iyon ni Athena”, umiiyak na sabi ni Cara. “She’s been my bestfriend for so many years, bakit siya naglihim sa akin?”, puno ng hinanakit sa tanong nito.

Niyakap siya ni Floyd. “Tahan na,”sabi nito saka hinalikan ang kanyang nobya sa noo.

“Ano’ng sabi niyan?”, tanong ni Vlad. Tinutukoy nito si James na kanina pa may kausap sa phone.

“Ewan ko, kanina pa iyan sa cellphone niya eh. Tanungin niyo”, sagot ni Floyd.

“Okay. Thank you so much”, sabi ni James sa kausap nito sa kabilang linya bago nito pinatay ang tawag.

“Change of plan guys!”, tila tuwang-tuwang balita nito sa mga kabarkada niyang nakatingin sa kanya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”, sabay na tanong nila.

“Nakita na nina Jaimee ang location nina Athena. Pupuntahan natin sila kaya mag-empake na kayo”, kaswal na sabi nito.

“Ngayon?”, magkasabay uling tanong nila.

“Oo, ngayon na. May problema ba?”, tila nagtatakang tanong ni James.

Tumayo si Vlad.
“Problema? James, gabing-gabi na!”, tutol nito.

“So?”, parang wala lang na sagot ni James. “ Naayos ko na ang flight natin. May kinausap na rin akong maghahatid sa atin sa airport at magdadala sa atin kung nasaan man sina Athena ngayon kaya mag-empake na kayo”, may pagkayamot na sagot nito.

“Seryoso?”, ani Veronica.

“Mukha ba akong nagbibiro?”, seryosong tanong ni James.

Hindi na muling nagsalita pa si Veronica. Maging ang iba ay tumahimik na rin. Kilala nila ang kaibigan. Kapag ganoon na ang tono ng pananalita nito, hindi mo na ito maaari pang kontrahin.

“We’ll leave in an hour. Pupuntahan ko lang si Mikee”, sabi nito bago umalis.

Lahat sila ay nagulat sa itinuran nito ngunit ni isa sa kanila ay walang nagsalita.

Kalian pa naging close sina Mikee at James?

---------
“Aeira! Aeira wake up! Aeira!”

Nagising si Athena sa boses na iyon ng mommy Alyana niya.

“Mom?”, tanong niya. Bahagya siyang nasisilaw sa liwanag na nanggagaling sa labas kaya bahagya ring nakabukas ang mga mata niya.

“We don’t have the slightest idea how they managed to find us here but your friends are waiting for you outside the gate!”, nakarehistro sa mukha ng mommy niya ang pag-aalala at pagtataka.

Matagal bago mag-sink-in sa utak niya ang sinabing iyon ng nanay niya.

“Sino?”, kunot-noong tanong niya.

DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon