CHAPTER ELEVEN: "To Be Happy is to Hurt Somebody"

806 32 2
                                        

DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER ELEVEN
"To be Happy is to Hurt Somebody"

SOBRA-SOBRA ang tuwang nararamdaman nina Haring Kairo at ni Sky na makasama muli nila ang mga kapwa Dragonaia.

Lalong-lalo na si Athena ngayong magkasama na sila ng tunay na mga magulang.

Ngayong bumalik na ang dating anyo ng mga ito, salamat sa kanyang healing ability, masasabi niyang nakuha niya ang karamihan sa features niya sa kanyang ina. Ngunit nakuha niya ang mga mata ng kanyang ama. Hindi man niya kayang ibalik ang kapangyarihan ng mga ito ay masaya parin silang lahat dahil sila'y nagkatagpo.

Bumalik silang lahat sa mansion ng kanyang lolo. Tuwang-tuwa rin ito na masilayan ang anak na matagal na nitong hindi nakikita. Nagkaroon tuloy ng simpleng salu-salo sa bahay nito. Inilabas ang alak na matagal nang inimbak sa isang kuwarto upang kanilang pagsaluhan.

Doon na natulog si Athena kinagabihan. Sabik na sabik sa kanya ang kanyang ina na hindi pumayag na hindi siya makatabi sa pagtulog. Sino ba naman ang hindi masasabik sa kanyang anak kung isang dekada at pitong taon kayong hindi nagkasama?

"I have always dreamed of tucking you in bed. Singing lullabies for you. Oh how I wish I was there when you're growing up. It would have been so majestic" turan ng kanyang ina na hindi tumitigil sa paghaplos sa buhok niya habang hindi inalis ang ngiting nakapaskil sa mga labi. Ngiting nagsasabing nagpapahiwatig ng pagmamahal at pagkasabik.

Kasalukuyan silang nakahiga sa loob ng isang guest room sa mansion.

'Dudugo ang ilong ko neto' naisip ni Athena.

"We're sorry you have to live in this world, Aeira"

"Its not your fault mother. Its not our fault that we have been separated for how many years." Sabi niya. "Its that selfish, devilish aunt of mine to blame!"

"Can we forget about her for a while. I want to spend my time with you. I want catch up with the years were not together"

She cuddled her in her arms, then they fell asleep with a smile pasted on their faces.

------

Mahinang katok ang ginawa ni Barbara sa kuwarto ng kanyang anak. Nagtaka siya dahil hindi siya nakakuha ng sagot mula dito. Kumatok siya muli at nang hindi pa bumubukas ang pinto ay pinihit niya ang seradura.

Napangunot siya nang malamang nakalock pala ito. Hindi ugali ng kayang anak na mag-lock ng pinto! Alam na niyang may mali.

Bumalik siya sa kanilang kuwarto upang kunin ang duplicate key.

"Aanhin mo iyan?" Tanong ng kanyang asawa na kagigising lang. Papungas-pungas itong bumangon sa higaan saka siya sinamahan.

"Athena locked her room. Something's not right."

Maski ito ay nagtaka rin sa sinabi niya.

"It's not like Athena would do that" sagot nito.

"But she did"

Pinuntahan nila ang nakasaradong pinto at sinusihan iyon. Bumungad sa kanila ang kama ni Athena. May nakaumbok sa ibabaw niyon ngunit hindi gumagalaw.

Nanginginig ang mga kamay kasabay ng mabilis na pintig ng puso na inalis ang kumot na nakatabing sa kung ano mang bagay na iyon sa kama.

"She's not here"

Napaiyak si Barbara nang makitang unan lang pala ang nakahiga sa kama. Hindi siya makapaniwalang nilayasan sila ng anak.

"I don't understand" aniya habang humihikbi.

Maganda ang usapan nila kagabi kaya't hindi niya lubusang maisip na lalayasan sila ni Athena.

DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon