(A/N: This chapter is dedicated to all of you who patiently waited for this update. Sorry kung ngayon lang uli ako makakapag-update sa Dragonaia pero nakabalik na ako (From the kingdom of Laziness)! I'm back updating this story!"
DRAGONAIA: Rage of Athena
CHAPTER SEVEN
"Self-Healing"
NAKAUPO si haring Kairo sa paborito nitong silya habang nanonood sa kasalukuyang pagsasanay ni Athena. Nasa basement silang tatlo; siya, si Aeira at saka si Sky na siyang nagtuturo ngayon sa kanyang apo.
Hanga siya sa dalaga. Madali itong maturuan at handa siyang matuto sa mga itinuturo ng binata. Bagama't magdadalawang oras na sila sa pag-eensayo ay hindi niya narinig ang pagdaing nito. Isa iyon sa mga katangiang hinahangaan niya sa kanyang apo, ang pagiging matiyaga.
"Make your arms firmer, Athena." Narinig niyang sabi ng binata. Lumapit ito sa kanyang apo at hinawakan ang mga braso at kamay nitong nababalutan ng puting tela na kasalukuyang nasa anyong nakikipaglaban sa boxing ring. Gaya ng mga boksingero, hindi pantay ang paa ni Athena. Nasa likod ang kanyang kanang paa habang nasa harap naman ang kaliwa na parang anumang oras ay may sisipain. Nakaharap ang dalaga sa isang pigurang gawa sa kahoy at kutson. Ipinasadya talaga niya iyon upang magamit ng kanyang apo sa pag-ensayo.
Itinuro ni Sky sa dalaga kung paano patigasin at palakasin ang mga braso habang humuhugot ng puwersa at lakas sa mga paa.
"Always remember this Athena, strong powers are useless when you have a weak physical defense." Sabi ni Sky. Tinapik nito ang pigura na parang ipinapahiwatig kay Athena na oras ng pagsipa.
"Huh!" Nagkaroon ng bakas sa kutson dahil sa pagsipa ni Athena na agad din namang naalis.
Naiiling na iniayos ng binata ang posisyon ng mga paa ng dalaga.
"Your right foot should bear your weight so that it will be easily transfered to your left foot when you throw a kick. Magagamit mo rin iyan sa pagbuwelo at makakatulong sa lakas ng pagsipa mo" sabi pa nito.
Athena heaved out a deep sigh at sumunod na lamang sa sinasabi ni Sky. Pagod siya dahil sa ilang oras ring pagsuntok at pagsipa sa pigurang bagama't kutson ang laman ay sintigas naman ng bato. Una nilang pinag-aaralan ang martial arts. Ayon kay Sky, dapat daw niyang matutunan kung paano dipensahan ang sarili laban sa kalaban. Kinakailangan na iyon ang uunahin niyang pag-aralan sapagkat kahit na siya ay makapangyarihan kung wala din naman siyang nalalaman sa pakikipaglaban ay wala rin kuwenta ang pagiging Dragonair niya. Kailangan din niyang palakasin ang katawan upang mas lalong lumakas ang kanyang kapangyarihan.
She punched the figurine in front of her. Damang-dama niya ang pamamaga ng kamao. She's so tired! Feeling niya kahit hindi niya tingnan ay parang naisawsaw sa pinturang kulay-rosas ang kamay niya sa sobrang pamamaga. Nanginginig na rin ang mga tuhod niya at anumang oras ay bibigay na.
Her joints are aching and her muscles are sore. In short, she feels pain all over (well, physical pain). And because it is almost nine in the evening, she's darn sleepy. But she doesn't want to stop until Sky would tell her to.
Nakita na niya kung paano magalit ang kaibigan at ayaw niyang makita iyon muli dahil lang sa hindi siya naging masunurin dito. Kung tutuusin kaya niya itong hindi sundin sapagkat sundalo lamang ito samantalang prinsesa siya. But she respects her friend and because she needs this training too.
She threw a kick but because her mind can't focus anymore, she lost her balance and fell down.
Dinaluhan siya agad ni Sky.
"Are you okay, princess?" Nag-aalalang tanong nito.
"Yes, I'm fine."sagot niya. " I'm just tired"
"If you're tired then we can stop. After all, I think you have learned so many things tonight. It would not do you good if you push your body too far." Sabi ng kanyang lolo na mabilis ring lumapit sa kanya nang makita ang pagtumba niya.
BINABASA MO ANG
DRAGONAIA: Rage of Athena ||ON GOING||
FantasySi Athena Dela Vega, sixteen years old, ay isang normal na dalaga na namumuhay sa isang normal na mundo kasama ang normal niyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit paano kung sa pagsapit ng kanyang ika-labimpitong kaarawan ay isang lihim sa kanyang pag...
