🌒 Chapter 6

14.3K 540 8
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na pumapasok sa loob ng silid, at tumatama sa mga mata ko. Wala sana akong balak na bumangon dahil inaantok pa pero, may napansin ako.

I'm naked under the blanket?!

Sinilip ko pa ang nasa ilalim ng kumot at wala nga akong damit. Teka? Bakit naman?

Pinilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay passionate kiss lang ang ginagawa namin. Bumukas ang pinto ng silid at inuluwa nito si Keira. Tinaas ko ng kaunti ang kumot. May nangyari ba sa amin? Geez, ayokong isipin!

Pinagmasdan ko ang babaeng kakapasok lang. Nakatapis siya ng puting tuwalya at basa ang blonde niyang buhok. Bumaba ang tingin ko sa maputi at makinis niyang mga hita.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil naguguluhan pa rin ako, kung bakit nakahubad ako.

"Kung nagtataka kung bakit ka nakahubad, wag kang mag-alala. Dahil walang nangyari sa atin. Hinubad ko lang ang damit mo dahil basa." Paliwanag niya habang naghahanap ng isusuot sa loob ng closet.

Natatandaan kong nabasa ako ng tubig galing sa vase kagabi.

"W-wala naman akong iniisip na ganon." Pagsisinungaling ko.

Tumingin siya sa akin. "Ganon ba? Pero bakit parang wala ka sa sarili nung pumasok ako?" Umangat din ang gilid ng mga labi niya.

Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa hiyang nararamdaman ko, at narinig ko ang nakakaasar niyang tawa.

"Ang cute mo." Mas lalo pa ata ako nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya. Narinig ko na naman ang malakas na tawa niya.

"Bumangon ka na dyan dahil may pasok pa tayo ng alas otso."

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko at tiningnan siya. Nagtaka ako nang ngumisi siya. Pero nasagot din nung tinanggal niya ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya. Bumungad sa akin ang kanyang hinaharap! Muli akong nagtalukbong ng kumot sa mukha. Tawa naman siya ng tawa dahil sa sarili niyang kalokohan.

Ugh! I just saw her perfect curve and  flawless body!

Meron naman din akong ganon pero bakit nahihiya akong makita ang kanya?

"Puwede mo nang ibaba ang kumot dahil tapos na akong magbihis." Natatawang sabi niya sa akin. Mukhang tuwang-tuwa pa rin siya sa mga pinag-gagawa niya kanina.

Sumilip muna ako para makasigurado kung totoo ang sinasabi niya. Nung makitang nakabihis na siya ay nakahinga ako ng maluwag. Suot na niya ang uniform ng CU. Red blazer, white sleeves at black skirt na above the knees. Ang sexy niyang tingnan sa suot na uniform pero halos lahat naman ata ng damit na sinusuot niya ay bagay sa kanya. Para akong nataranta nang maglakad siya palapit sa akin. Binigyan niya ako ng isang halik sa noo, na ikinagulat ko at hinaplos din niya ang buhok ko.

"Good morning, bumangon ka na at maligo. Maghahanda lang muna ako ng breakfast natin." Sabi niya bago lumabas ng silid.

Ang sweet niya.

Tumingin ako sa wall clock at 4 minutes na lang before 7AM. Bumangon ako at nagsuot ng robe bago lumabas ng kuwarto.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos sa sarili ay lumabas na ako ng kuwarto. Sa kusina ako dumiretso. Nakahanda na sa lamesa ang breakfast namin. Nagsimula na rin kaming kumain pero may biglang pumasok na katanungan sa isipan ko.

"Keira may tanong ako."

"Ano yon?"

"Alam kong narinig mo ang sagot ni Rose sa question ng Prof namin kahapon." Tumango siya kaya nagpatuloy ako. "Ano ang ibig sabihin niya sa sagot niya? Tungkol sa pure blood at human." Hindi siya umimik pero isang walang kuwentang kibit-balikat lang ang isinagot niya. Hindi rin siya nakatingin sa akin.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon