🌒 Chapter 5

15.4K 578 49
                                    

Hinihintay kong pumatak ang oras sa 7:30PM dahil iyan ang oras ng uwian namin ngayon.

Once a week lang ang ganitong klase namin. History pero hindi ko maintindihan. History ng bawat clan na nag-aaral dito sa university ang topic. Ano ba ang pakialam ko sa history ng clan at ancestors nila?

Seven minutes na lang. Gusto ko nang makalabas dito.

"Pwede bang magkaroon ng half-blood breed sa lahi natin?" Out of the blue na tanong ng Professor namin.

Naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Lory sa kamay ko. Actually, kanina pa nga niya ito hawak. Nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakayuko lang siya at parang kinakabahan.

Nabalik ang tingin ko sa harapan. Nakaupo sa ibabaw ng lamesa ang Professor namin, habang naka-cross legs. Isa siya sa mga terror na Professor namin! Nakasuot siya ng salamin na mas lalong nakakatakot kapag tiningnan siya. At nga pala, yung tanong niya wala naman sa topic namin. Yung totoo? Naglalakbay ba kami habang nasa klase?

At puwede naman magkaroon ng half-blood breed kung ang parents ay magkaiba ng lahi like Filipino ang Nanay mo at American naman ang Tatay mo, di ba? Pero hindi ganon kadalas nagagamit ang word na breed sa tao. Dahil para sa iba, ang unang papasok ay uri ng isang hayop.

May nagtaas ng kamay at sumagot sa tanong niya.

"Yes, Ma'am. If the pure blood fell in love with human or intercourse between them as benefits." Sagot ni Rose. Siya ang madalas na sumasagot sa tanong ng mga Professor namin.

Nagtataka akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko naintindihan. Pure blood? Human? Ano bang pinagsasabi niya? Ngumiti lang si Rose sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanya. Ang mga classmate namin tumatango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Nabaling ang tingin ko sa katabi na nakayuko lang at hindi nagsasalita.

"Okay." Hindi ko inasahan nang malipat ang tingin niya sa akin. "How about you Miss Centrias, what do you think?" Tanong niya sa akin

Mas lalong binalot ng katahimikan ang buong klase, at parang bumigat din ang atmosphere sa loob ng silid.

"Uhm... sorry Ma'am, wala akong ideya tungkol sa naging sagot ni Rose. Pero naguguluhan ako sa pure blood and human na nabanggit niya. We're humans right? Bakit parang ang dating ng sagot niya ay nakabukod yung pure blood sa humans?" Sagot ko. Totoo namang naguguluhan ako. Pansin ko pagsasalitan ng tingin ng mga classmate ko, at halos lahat sila ay nakatingin sa akin

"Oh, sorry my mistake. Class dismiss." Mabilis na sabi niya at nagmamadaling lumabas ng silid.

"Sherez, m-mauna na ako." Pinagmasdan ko lang si Lory habang nagmamadali din na makalabas.

Nagsialisan na ang mga classmate ko at ako na lang ang mag-isang naiwan dito sa silid pero, nagkamali pala ako. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likod. Humarap ako sa kanya habang nasa waist ko pa rin ang mga bisig niya.

"Rose?"

"Naguguluhan ka pa rin ba sa sagot ko kanina?" Malambing na tanong niya at pinaglalaruan ang pinaka dulo ng buhok ko.

Naiilang na sumagot ako. "Ahm.. oo."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit at ramdam ko ang mga labi niya sa leeg ko. Parang kinilabutan ako sa ginagawa niya.

"Bakit hindi mo tanungin si Lory?" Huh? Bakit nasali sa usapan si Lory?

"B-bakit ko naman siya tatanungin?"

Imbis na sagutin ako ay isang halik sa pisngi ang ibinigay niya. Humiwalay agad siya sa akin at ngumiti. May pagtataka sa mukhang nakatingin ako sa kanya, at nakabuka pa ata ang bibig ko kaya nag-chuckle siya. Naglakad na siya at nang lalagpasan na ako ay may ibinulong siya sa akin.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon