Kakaalis lang ni Dad at bago siya umalis ay inihatid niya muna ako sa dormitory. Ang dalawang mataas na gusali kanina kung saan huminto ang sasakyan namin ay parehas na Dormitory building.Kasalukuyang nakaupo ako sa gilid ng kama at nag-iisip ng magandang libangan. Gusto ko sanang lumabas kaso gabi na. Nabaling ang atensyon ko sa katabing kama. Maayos ang ibabaw nito, at maayos din ang pagkakalagay ng mga libro sa maliit na bookshelf. Sa tabi nito ay isang study table. Napakalinis nung bahaging iyon at halatang ayaw niya ng makalat. Malapit sa bintana ang higaan ko, ganito rin ang ayos sa sariling kuwarto ko sa bahay. Kaso ang naiba lang ay may kasama na ako sa kuwarto.
Ibinilin din ni Dad na huwag akong aalis ng dorm hangga't hindi kasama ang roommate ko, dahil siya ang magiging bantay ko. Hanggang dito may bantay pa rin ako? Ang malala ay roommate ko pa at sigurado naman akong babae siya.
Narinig ko ang tunog mula sa bumukas na pinto sa labas ng bedroom na kinalalagyan ko. Hudyat na makikilala ko na ang kasama ko sa iisang silid. Nakatitig ako sa pinto. Ilang segundo na pagtitig sa pinto ay bumukas na ito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko.
"I-ikaw ang roommate ko?" Hindi ko talaga inasahan na siya ang magiging kasama ko sa iisang silid.
"Ako nga. May iba ka pa bang nakikita bukod sa akin?" Sagot niya at dumeretso sa higaan niya. Inilapag niya ang mga dalang gamit sa ibabaw nito.
"Uhm, wala naman. Nga pala ano ang pangalan mo?" Dapat maging friendly sa roommate.
Lumingon siya sa akin at matagal niya muna akong tinitigan bago sumagot. Pa-suspense.
"Keira Moonworth." Parang familiar sa akin ang surname niyang Moonworth. Bumalik ulit siya sa pag-aayos ng mga gamit na dala niya.
"Familiar ang surname mo sa akin. Nakalimutan ko kung saan ko narinig."
"Kanina mo lang narinig." Naglakad siya palapit sa study table. Para ilagay sa ibabaw nito ang dalawang makapal na libro na bitbit niya kanina. "Kakambal ko si Keiro Moonworth." Pagpapatuloy niya na hindi lumilingon sa akin. Nasa pag-aayos lang ng gamit ang atensyon niya.
Tumango-tango na lang ako. "Yung mukhang suplado? Pasensya na. Hindi ko gusto ang taong suplado kaya hindi ko tinatandaan ang pangalan." Parang hindi makapaniwalang bumalik ang tingin niya sa akin. Iniisip niya atang nagbibiro lang ako.
Muli siyang nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit niya habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya. Ang ganda ng pagka-blonde ng buhok niya pati na rin ang kulay asul niyang mga mata. Kakaiba rin ang kulay ng maputing balat niya, maputla. Napakaseryoso ng aura niya. Tapos ang sexy niyang tingnan sa suot na black tank top and leggings. Parang nag-panic ako nang lumingon siya sa akin at magtama ang mga mata namin.
"Are you checking me out?" Taas kilay na tanong niya, at tuluyan nang humarap sa akin.
"H-ha? H-hindi ah." Pagtanggi ko. Ano ba naman yan, Sherez. Halatang-halata na nagsisinungaling ka.
Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang chin ko. Inangat niya ang tingin ko para magtama ang mga mata naming dalawa
"Ayos lang sa akin kung ganon nga ang ginagawa mo." Mahihimigan na mapang-akit ang boses niya, at kinagat pa ang ibabang labi.
Geez! Anong problema niya? Gusto niya ng laro? Pagbibigyan ko siya. Napangisi ako sa isipan ko.
"Kung totoo nga? Anong gagawin mo?" Nang-aakit din ang ngiti sa mga labi ko. Tingnan natin kung sino ang bibigay sa ating dalawa. Isang Centrias ata itong kaharap niya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]
VampiroThe Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat siya sa main campus dahil sa utos ng kanyang ama. Ngunit, ang main campus ng Centrias University ay...