Chapter 38

6.5K 284 43
                                    

Sherez's Pov

Halata sa mukha ni Keira na hindi niya inasahan ang mga tanong ko kanina. Kahit naman din ako, hindi ko rin alam. Pinasok na naman ni Death ang isipan ko at itanong ko raw kung sino si Zereth Rutherfold at ang huling sagot ni Keira sa mga naging tanong ko na 'Hindi' ay nagsalita si Death ng 'she lied' kaya nakaramdam ako ng lungkot. Ang ilan sa itinanong ko ay sinagot daw ng tama ni Keira pero ang huli ay nagsinungaling siya.

Hindi ko alam kung kanino ba ako maniniwala... kay Keira ba or kay Death. Nalilito na ako.

Nakaupo pa rin ako rito sa kama at hinihintay na mag-4pm. Ganong oras ako susunduin ni Keira sa silid ko dahil may kailangan pa raw muna siyang sabihin kay Keiro. Hindi ko alam kung ano iyon.

Humiga ako at hinaplos ang bedsheet. Naalala ko naman ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko inasahang ako mismo ang nag-initiate na mangyari yon. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil hindi ko na alam ang nangyari sa akin nung mga oras na siya ang unang nakita ng mga mata ko. Para may nagising sa katawan ko nung mga oras na siya ang una kong nasilayan nung magmulat ako ng mga mata.

Hindi ko alam ang pinaggagawa ko kagabi. Ngunit hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa aming dalawa. Mas naramdaman ko pa nga ang pagdidiwang ng puso ko. Akin lang siya... akin lang.. kung may umagaw man sa kanya? Hindi ako magdadalawang isip na tapusin ang buhay nila. So that's the meaning of love? Gagawin mo ang lahat h'wag lang maagaw ang mahal mo? Ito ba ang nararamdaman ni Keira? Dahil dalawa sila ni Reilee ang mate ko.

Si Reilee... I feel sorry for her, kailangan ko na siyang makausap. Ayokong mas lalo pa siyang masaktan. Pwede ko sila maging asawa pareho tulad nang sinabi ni Dad nung nakaraan pero bakit parang ipinipilit niya iyon sa akin?
.
.
.
.
.
.
.
"Sherez, hindi mo na kailangan pang mag-alala at maguluhan kung sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa. Hindi mo na kailangan pumili pa dahil pwede mo sila maging pagmamay-ari."

"Mahihirapan po ako Dad, mas maguguluhan ako kung sino ang uunahin kong puntahan or makasama."

"Alam mo ba kung bakit dalawa ang matemo at ng iba ay hindi?"

"Hindi at nagtataka rin ako kung bakit."

"Parehas mo silang kailangan. Parehas may dahilan kung bakit sila ang napili. Ang kailangan mo na lang gawin ay ibigay sa kanila ang atensyon mo dahil parehas silang mawawala sayo kung isa lang ang pipiliin mo."

"B-bakit? Bakit kailangan na parehas kong ibigay ang atensyon ko sa kanilang dalawa? At bakit parehas silang mawawala?"

"Hindi pa ito ang tamang panahon sa mga bagay na mahihirapan kang intindihin, Sherez"
.
.
.
.
.
.
.
Anong ibig sabihin ni Dad na pareho silang mawawala kung hindi ko sila pipiliin pareho?

Ano na bang nangyayari? Bakit ba wala akong alam sa mga nagaganap sa paligid ko? May itinatago ba sila sa akin?

Agad akong napahawak sa leeg ko nang maramdaman anb panunuyo nito. Nauuhaw ako. Napapansin ko na madali na akong nakakaramdam ng uhaw sa dugo. Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto kaya naman umayos ako ng upo.

"Pasok..."

Nakita ko si Sakira na pumasok kasama si Aishel dito sa loob ng silid ko. Napangisi ako sa isipan ko. I can't take this anymore...

"Pinapasabi ni Keira na sunduin ka raw namin." - Sakira

"Okay ka lang ba Sherez?" Tanong ni Aishel sa akin nang mapansin na hindi ako nagsasalita at nakatitig lang sa kanya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon