Chapter 37

6.7K 293 28
                                    


Keira's Pov

Dalawang araw nang natutulog si Sherez at hindi namin alam kung gaano katagal ang bisa ng pampatulog sa patalim na dumaplis sa kanya.

"Bakit ka pa ba bumalik?" Basag ko sa katahimikan na bumalot sa silid ni Sherez. Dalawang araw na rin akong hindi umaalis sa tabi niya. Gusto kong ako ang una niyang makikita sa paggising niya.

"To pay my mistake." Nadako ang tingin ko sa kanya. Nakasandal siya sa haligi ng silid habang naka-cross arm. "Dahil kailangan kong harapin ang galit niya sa akin."

"Ano ba talaga ang nangyari noon? At ano rin ang dahilan ng pagkamatay niya?" Hindi naisulat sa libro ang tungkol sa kung paano nga ba namatay si Zereth Rutherfold. Hindi itinala sa libro ang pagkamatay niya at isang malaking palaisipan kung paano at sino ang pumatay sa pinaka malakas na Bampira noon.

Hindi nagsalita si Aunt Yuri at nanatili lang siyang tahimik. Gusto kong malaman ang lahat at siya lang ang pwedeng sumagot sa totoong nangyari noon. Lahat ng Bampira na nabuhay at pinagsilbihan ang pamilya ng mga Rutherfold noon ay tikom ang mga bibig.

"Keira, hangga't maaga pa ay umalis ka na rito. Kayong dalawani Keiro."

"Bakit naman ako aalis? Hindi ko kayang iwanan si Sherez dito lalo na kung nasa ganito siyang kalagayan."

"Alam mo ang dahilan, wala tayong kasiguraduhan kung kailan babalik ang mga alaala niya at pwedeng sa paggising niya ay hindi ka na niya kikilalanin pang mate." Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya. Ganon nga ba ang mangyayari? Pero handa na ako sa mga mangyayari dahil iyon naman talaga ang nakalagay sa Propesiya.

Sina Zereth Rutherfold at Death Sederman ay muling mabubuhay sa parehong katawan at lahi. Ang mga alaala mula sa nakaraan ay muling manunumbalik. Ang naudlot ay muling magpapatuloy...

Kadiliman ang hinaharap ng mundo sa mga kamay nila, lalo na kay Zereth.

Isa itong sumpa na binitiwan ni Queen Alexandra Centrias sa tulong ng mga nilalang na gumagamit ng itim na mahika. Isa itong paghihiganti ng Reyna ayon sa aking ina. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magbitaw ng sumpa kahit na ang kapalit nito ay pagkaubos ng mga nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw.

"Hindi ako duwag para tumakas sa mga bagay na tulad ng ganito. Kung iyon nga ang mangyayari? Mas nanaisin ko pang mamatay sa mga kamay niya." Seryoso ang mga mata na sinalubong ko ang kanya. Nagsukatan kami ng tingin at siya ang unang nag-iwas bago naglakad palabas ng silid na walang paalam.

Pinagmasdan ko si Sherez at hindi ko maitatangging nangangamba ako kapag nagising na siya. Kikilalanin pa rin ba niya ako bilangmate? Mas pipiliin niya bang maghiganti? Maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ko. Gabi na at kinabukasan ang ikatlong araw kapag hindi pa siya nagising.

Tatayo na sana ako nang maramdman kong may humawak sa kaliwang braso ko. Napatingin ako sa kanya pero nakapikit pa rin siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ako naman ay naghihintay.

"Keira.."

"Bakit? Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Wala naman,pero yung panaginip ko. Puro dugo ang nasa paligid ko pati ang mga kamay ko ay may bahid din ng dugo." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Nakikita na niya ang pwedeng mangyari kapag bumalik na ang alaala niya.

"H'wag mo munang intindihin iyon. Sandali lang at kukuha muna ako ng pagkain." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin kaya nagtanong ako baka may kailangan siya. "Bakit?"

"Nauuhaw lang ako. Gustokong inumin ang dugo mo. Ngayon." Hindi agad ako nakaimik dahil sa narinig ko. Hindi dugo ni Death ang unang hinanap niya kundi ang dugo ko. Nagkulay ginto na rin ang mga mata niya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon