Nagising ako dahil sa mumunting halik sa mga labi ko. Nagmulat ako ng mga mata at ang mukha ni Keira ang una kong nasilayan."My love..."
Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko at nagsumiksik pa rito. Nakatitig lang ako sa kisame habang pinapakiramdaman ang ginagawa niya.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagiging tahimik ng panig nila Yuri. Batid kong may binabalak siya at naghahanap ng tamang oras para maisagawa ito.
"Sherez..." Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig kisame. "Saan mo nga pala dinala si Dawn? Hindi mo siya kasama nung bumalik ka."
"Nasa pangangalaga siya ni Ama. Hindi ko siya gustong ipagkatiwala kung kanino man."
"Kahit sa akin?" Mahihimigan ang hinanakit sa tono ng boses niya. Bumangon siya at umupo habang nakatingin sa akin. "Sherez, nakalimutan mo na ata na ako ang ina ni Dawn."
Bumangon ako at bumaba na ng kama para damputin ang mga kasuotan ko. Nagbihis muna ako habang siya ay nakamasid at naghihintay sa magiging sagot ko.
Nang matapos ako sa pagbibihis ay hinarap ko na siya. "Sa tingin mo ba kaya mong ipagtanggol si Dawn ng mag-isa?" Halata ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa lumabas sa bibig ko.
"Nakakalimutan mo na rin atang isa akong Moonworth. Kaya ko siyang ipagtanggol kahit mag-isa lang ako."
Pinagkatitigan ko siya sa mga mata niya. "Kahit kailan hinding-hindi ko yon nakakalimutan. Isa kang Moonworth." Gamit ang mga daliri ng kanang kamay ay isinuklay ko ito sa buhok ko mula sa noo hanggang sa maabot ang dulong hibla sa likod. "Mas magiging ligtas si Dawn kung nasa mga kamay siya ni Ama. Kaya ang dapat mong isipin ay kung paano siya mapapanatiling ligtas na hindi na kailangang nasa tabi mo pa."
Nakita ko ang pagdaan ng sakit ng mga sinabi ko sa mga mata niya.
"Hindi sa lahat ng oras ay kaya mong ipagtanggol ang nasa tabi mo dahil mas lalo mo lang silang inilalagay sa matinding panganib." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baba niya gamit ang hintuturo para iangat ang tingin niya sa akin. "Masakit kapag namatay sila na wala ka sa tabi nila. Pero mas masakit kapag namatay sila sa tabi mo na wala ka man lang nagawa para ipagtanggol sila." Inalis ko ang daliri sa baba niya at umayos na din ako ng tayo habang taas noong nakatingin sa kanya.
Nanatili lang siyang tahimik at maaaring naiisip na niya ngayon ang pwedeng ibunga kung ipipilit pa niya ang kagustuhan niya.
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto ng silid na kinalalagyan namin. Bumangon si Keira at nagsuot ng robe bago tinungo ang pinagmumulan ng tunog. Bumalik siya na kasama sina Suzaine, Aishel at Sakira.
"Ano ang dahilan para magtungo kayo rito?"
Nagkatinginan muna silang tatlo bago nagsalita si Suzaine. "Gusto lang namin ipagbigay alam na nakita namin na patungo sina Yuri at Natsumi Moonworth sa timog-kanlurang bahagi ng kagubatan."
"Kasama niya si mom?" Naguguluhang tanong ni Keira at tinanguhan naman siya ni Suzaine.
Napaisip ako sa pwede maging dahilan ng patungo nila roon. Imposibleng may tinatakasan sila. Hindi rin doon ang direksyon patungo sa lungsod.
Ngunit, natigilan ako nang mapagtanto kung ano o sino ang nasa direksyon na yon.
Naglakad ako patungo sa pinto palabas ng balcony nang pigilan ako ni Keira.
"Saan ka pupunta?"
"Alam ko kung saan sila patungo."
Patuloy lang ako sa paglalakad nung tumaas at naging maawtoridad na ang tono ng boses niya.

BINABASA MO ANG
The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]
VampirosThe Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat siya sa main campus dahil sa utos ng kanyang ama. Ngunit, ang main campus ng Centrias University ay...