Isang malamig na umaga ang sumalubong sa akin nang magmulat ako ng mga mata. Pakiramdam ng katawan ko ay ilang daan taon akong natulog. Dahan-dahan akong umupo at inilibot ang paningin sa paligid. Sobrang tahimik. Wala akong ibang makita kundi puti at gintong kulay. Masydong masakit sa mata ang mga nakikita ko. Nalalanghap ko rin na may iba pa akong nakasama rito dahil kumalat sa buong silid ang amoy niya.
Nabaling ang atensyon ko sa puting kurtina na sumasabay sa ihip ng hangin mula sa labas. Bumaba ako ng higaan at tinungo ang balcony. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ngunit, wala nang mas lalamig pa sa nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Pinagmasdan ko ang buong paligid sa ibaba. Ang malawak nitong hardin na alam kong maraming panahon na ang lumipas at napanatili pa rin ang nakakahalinang ganda nito.
"Sherez? Gising ka na pala."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Napapikit ako at pinakiramdaman ang sarili. Ang amoy na nagmumula sa kanya ay ang una kong nalanghap kanina nung magising ako.
"May problema ba?" Humarap ako sa kanya at bumungad sa akin ang kulay asul niyang mga mata. Walang ipinagkaiba ang kanilang mga mata.
"Keira." Tawag ko sa pangalan niya na ikinatulala niya. "Oras na para umalis ako. Dahil matagal na niya akong hinihintay." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at parang ayaw niya akong paalisin.
"Please, h'wag ka nang umalis." Pakiusap niya.
"Babalik pa ako."
"Kailan?"
"Kapag natapos ko nang ubusin ang mga kalaban ko." Hinaplos ko ang kanang bahagi ng mukha niya at nababadya ang luha sa mga mata niya. "At gusto kong ihanda mo ang iyong sarili dahil sa muling pagbabalik ko..." Inilapit ko ang bibig sa tenga niya at bumulong. "Iyon na rin ang huling araw mo."
Hinipan ko ang tenga niya na ikinahigpit naman ng pagkakayakap niya. Humarap ako sa kanya at tinitigan siya.
"Pero bago muna mangyrari iyon?" Ngumisi ako at inilapit ng kaunti ang mukha ko sa kanya. "Gusto ko munang iparanas sa iyo ang langit bago ang impyerno." Lumayo ako habang ang ngisi sa labi ay hindi pa rin nawawala. "You know what I mean, mate." May pagka-sarkastiko kong dagdag.
Ako na ang kumalas sa pagkakayakap niya at iniwan siya sa balcony. Naligo muna ako at nang matapos ay naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama. Agad siyang napahiga at hindi makagalaw. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Sherez..." Hindi ako sumagot at abala lang sa pagpapatuyo ng buhok ko. "Bakit mo 'to ginagawa? Pakawalan mo ako." Inuutusan niya ba ako?
Walang emosyon na tinitigan ko ang mga mata niya. "Gusto ko munang mag-aksaya ng ilang minuto bago umalis."
Pumunta ako sa ibabaw niya at isa-isang tinanggal ang butones ng uniform niya. Kahit natatakpan ng tela ang katawan niya ay alam kong maaari ko itong hanap-hanapin pagkatapos at makakalimutan ang plano na tapusin siya. Ngunit, hindi magbabago ang kagustuhan kong ubusin ang lahat ng mga naging dahilan kung bakit nangyari sa aming dalawa ito.
"Please, say it again." Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Say that you love me."
Nagmamakaawa ba siyang sabihin ko yon? Nakakatawa. Dahil natawa ako sa loob ng isipan ko ay pagbibigyan ko siya.
"I love you, Keira."
-------
Keira's Pov
Hawak ko ang bedsheet kung saan siya humiga kanina. Napapikit ako at ngayon lang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ito na ang katapusan naming lahat. Pinili niya ang babaeng minahal niya noon. Tama nga siya, si Sherez mismo ang pupunta sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]
VampireThe Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat siya sa main campus dahil sa utos ng kanyang ama. Ngunit, ang main campus ng Centrias University ay...