KeiraTime flies and three months old na si Dawn. Natutuwa ako kapag nakikitang masaya ang mga mata ni Sherez kapag kasama niya ito. Hindi pa rin mawawala ang pagiging naughty niya, kahit katabi lang namin si Dawn ay hinaharot ako.
"Keira..."
Tulad ngayon...
Simula nung bumalik ang mga alaalang tinanggal sa kanya ay siya na ang boss. Di ko tuloy magawang magpaka-bossy sa kanya.
At isa pa, may mga bagay na nangyayari sa paligid namin at hindi iyon sinasabi ni Sherez sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay nakakaramdam ako.
"Sherez.."
"Hmm?"
"Pwede na akong makipaglaban."
Naglalabasan na ang mga werewolf at si Sherez ang laging target nila. Hindi nga ako nakakakita ng takot sa mga mata niya.
"Hindi pwede, gusto kong lagi kang nasa tabi ni Dawn." Umayos siya ng higa at hinaplos ang pisngi ko. "Ayokong isipin niya na pinapabayan lang siya ng dalawang maganda niyang ina."
Napangiti ako sa sinabi niya, isinama pa talaga yung dalawang maganda niyang ina...
Napatingin ako sa kamay naming dalawa na ipinagdikit niya. Naka-intertwined ang kamay namin habang nakaharap kami sa isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya at akala ko noon ay hindi ko na siya mahahawakan pa. Hinalikan ko ang likod ng palad niya.
"Kahit anong mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at napapikit siya dahil sa ginawa ko.
"Keira..." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa pisngi niya.
Napangiti ako at nakakataba ng puso ang sinabi niya. Mabilis siyang pumunta sa ibabaw ko habang may ngisi sa labi. "Gusto kitang maramdaman."
Mabilis din na ipinagpalit ko ang posisyon namin at ako naman ang nasa ibabaw niya. Tiningnan ko si Dawn at mahimbing itong natutulog. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at inilagay sa itaas ng ulo niya gamit ang isang kamay ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at ipinakita ang pangil ko. Napangisi lang siya sa ginawa ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil ito ang unang beses na ako ang dominante. Sa dalawang beses na may nangyari sa amin, siya lang ang dominante at kapag tumanggi ako ay alam kong pagsisihan ko.
Tinanggal ko ang pang-itaas niya at ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na brassiere.
"Enjoying the view?" May ngisi sa labing tanong niya.
Gamit ang isang kamay ko ay inilagay ko ang hintuturo sa labi niya.
"Shh... Baka magising ang anak natin."
Pagkatanggal ko pa lang ng kamay ko ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Puno iyon ng pagmamahal. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal at hindi na niya iisiping pang ipagpalit ako sa iba. Hindi magtatagal, si Sherez na ang magiging royal queen at pwede siyang mag-asawa ng iba bukod sa akin. Pero hindi siya pwedeng magkaroon ng anak sa iba. Ayokong isipin ni Dawn na mahahati rin ang pagmamahal slni Sherez sa amin o sa kanya.
Alam ko namang hindi iyon gagawin ni Sherez, gusto ko lang makasigurado.
--
"Tikman mo nga kung luto na."
Tinikman ko ang luto niyang sinigang at nangasim ako. "Oo, luto na.."
Tumingin kaming dalawa kay Dawn na buhat-buhat ko at parehas kaming natawa dahil ginaya niya ang itsura ko kanina.
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]
VampirThe Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat siya sa main campus dahil sa utos ng kanyang ama. Ngunit, ang main campus ng Centrias University ay...