Chapter 7

4 1 0
                                    

Chapter 7 - Hiding the pain

Dali dali akong lumabas ng pad ko.. Aish! Ano kayang nangyari sa babaeng yun?

Bakit si patrick ang una nyang tinawagan?

Ako ang besfriend nya pero ako ang huling naka alam..

Hayy. These few days nagiging complicated ang buhay ko..

Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto at manood na lang ng t.v!

*Hospital*

Nasa front desk na ako.. Hindi man lang kasi sinabi ni patrick kung anong room eh. Psh

"Uhmm. Miss, saang room po si patricia yu?" Tanong ko..

"Kaano ano po kayo ng pasyente?" Kailangan pa ba talaga nun? -___-

"Bestfriend" maikli kong sabi. Naiinis na ako ha! Gusto ko ng puntahan kaibigan ko!

"Room 200 po"

"Ge. " tanging nasabi ko..

Pumasok na ako sa elevator.. At pinindot numerong 13.

*tinggg!*

Lumabas ako at hinanap agad ng aking paningin ang 200.
Dapat kasi sinama ko si dora eh! Para mas madali akong mag hanap! Tsk!

And there!

Nakita ko na! Sa wakas!

Dali dali ko itong pinuntahan at ng makatapat na ako..

Konting bukas pa lang ang ginagawa ko pero may narinig ko ang sinabi ni patricia.. And it makes me stunned.

"Dont leave me pat..."

"I wont.. Now, get rest.." Sagot namn ni patrick..

Napangiti ako ng mapait...

Aish! Okay! Breathe in.. Breathe out! Hooooo!

Binuksan ko ng malaki ang pinto ng malaki at may enerhiya!

"B-bes k-kanina ka pa dyan?" Tanong sakin ni patricia.. Gulat na gulat ang kanyang mukha..

Si patrick namn hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Psh..

"Huh? Kakabukas ko pa lang ng pinto ah? " clueless kong sbi..

Oo kanina pa ko.. Narinig ko nga yung sinabi mo eh.. Hindi ka namn nya iiwan eh.. Hinding hindi..

Tumabi ako sa tabi nya at..

"Ano bang nangyayare sayo?"

"W-wala. Bigla kasi akong nahimatay kanina eh"

"Aah. Eh bakit si patrick ang anndito? Wheres tita?" Alam kong may pag ka bitter ang tono ko..

"Busy sila.."

"Eh bakit hindi ako ang una mong tinawagan?"
Hindi sya makasagot sakin..
Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

Hindi namn sya ganto dati ah.

"Stop it zoey.. Pagod yung tao.. Wag kang matanong.. Alagaan mo na lang bestfriend mo" sabi nya.. Gusto kong matawa ng malakas na peke sa kanya.. Psh!

"Ah hindi. May gagawin kasi ako.. Si mommy kasi tumawag.. Mag usap daw kami pagka uwi ko" sabi ko.. Alam kong hindi maniniwala skin si bes dahil kilala nya ang parents ko.. Hindi sila ganun sakin.. Isang beses lang sila tumawag sa isang buwan.

"Sure ka bes? Kaya mo bang umuwi mag isa?" Damn. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?! At sa tono nya parang ayaw nyang mag pahatid ako kay patrick..

Im Just His FansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon