Chapter 15

4 0 0
                                    


Chapter 16 - this is the ending or not?

*kringggg*

"Baby gising na!!"

"Kuya sabado ngayon!" Sigaw ko.

"Sis, friday pa lang. Wag kang excited"

Ugh! Oo nga pala! Anobayan T_T

Bumangon na ako. Kaya ayoko may kasama sa dorm ko e T_T

Palagi na lang maaga ang gising ko T_T

Naligo na ako at nagbihis.

Pagkatapos magbihis ayun! Lumabas na ako at pumunta sa kitchen andun namn si kuya kumakain na. Di man lang ako inintay.

"Good morning sis"

"Morning. Di mo man lang ako inintay"

"Tagal mo e. Eat na"

"Tss"

"Mamili ka na lang. Pancake o cereal. Pag cereal nasa ref yung gatas. "

Pancake kasi kinakain nya kaya siguro di nya nilabas yung gatas -_-

Kinuha ko yung gatas sa ref dahil cereal ang kakainin ko ngayon.

Pag upo ko nilagyan ko na ng gatas yung cereal at kinain na. Tahimik lang kami kumakain ni kuya. Ganto talaga kami ni kuya. Ayaw kasi ni kuya ng may nag usap habang kumakain. Masama dw yun.

Ewan ko ba kung bakit naging masama yun. Hay.

Pagkatapos kumain inihatid nya nako sa school.

"Bye kuya. Ingat" sabi ko pagkababa ko.

"Ingat din. Sunduin ba kita mamaya?"

"Uhh di ko alam"

"May load ka ba?"

"Papa load ako mamaya."

"Sige. Text mo na lang ako ah"

"Okay. Chupii na" sabi ko.

Tumalikod nako.

Hay. Andyan na kaya si patricia?

Hmm. Hintayin ko muna sya sa gate.

Aftet 10 minutes na paghihintay ko nakita ko ang kotse ni patrick.
Ano naman kaya ang ginagawa ng lokong ito?-_-

Pero nagulat ako kung sino ang lumabas at kasama nya..

Si patricia.

Lumapit silang dalawa sakin.

"A-ah n-nakita ko kasi sya sa daan kaya sinabay ko na" sabi agad ni patrick.

Anong pake ko.

Di ko sya pinansin.

"Kumain kana bes?" Tanong ko kay patricia.

"Ay oo kumain muna kami ni patrick. Drive thru. Sa mcdo"

"Ahh good. Lets go?" Sabi ko.

Di ko talaga pinansin si patrick.

Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko pero parang binibiyak ang puso ko..

Siguro ito na ang oras para iwasan sya.

Titigilan ko na ang pagpapatansya sa kanya.

Naglalakad na kami ni patricia ngayon papuntang room.

"May assignment ka ba sa physics?" Tanong ni patricia.

"Meron"

"Ahh pwede pa kopya? Wala na kasi tayong time para magawa ko pa yun. "

Im Just His FansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon