GAME 4: REPORT

3.8K 25 3
                                    

GAME 4: REPORT

*JERIC’s PoV

 

 

“uy, dude, ganda ng ngiti natin ah!” salubong sa akin ni Aljon sa room.

“tsk. ayos ka rin e. kumpleto lang tulog ko kaya maganda gising.”

“di eh, balita ko raw may hinatid ka kagabi eh!” pang-aasar pa ni Clark.

“owww! yun oh!!” sabi ni Kevin.

“nice one, bro. bilis ng kamandag mo!” dagdag pa ni Kim at nagtawanan na sila.

“tsss. mga kalokohan niyo talaga! tigilan niyo nga ako! ako na naman nakita niyo!”

nakita pala nila yun? akala ko wala nang tao nun kagabi e. actually, pinagmamasdan ko siya kagabi while on practice. and I find that Sophie girl cute, actually. but no, I’m not interested. natuwa lang ako sa pagkunot ng noo niya kagabi while thinking so hard for our report. tapos yung pagtunog ng tiyan niya nang hindi niya namamalayan kaya kinailangan ko pang magdahilan na kunwari naiwan ko yung tumbler ko when in fact bibilhan ko lang naman siya ng pagkain.

i was brought up with good manners. I was taught to be a gentleman kaya ko yun nagawa kagabi. and the fact na gabi na masyado kagabi at uuwi siya nang mag-isa, it doesn’t feel right lalo na’t babae siya. eh dahil pagod na rin ako at ayoko nang makipag-away sa kanya kaya ayun, I ended up dropping her off.

“makikita na naman pala natin sila bukas.” paalala ni Aljon.

“oo nga pala, no. MWF nga pala tayo run. kakaiba pala atmosphere sa college nila, no?” natutuwang sabi ni Clark.

“oo nga e. at saka nakakasilaw run. lahat sila white ang uniform.” sabi ni Kim.

“ang hirap din humirit do’n kasi ang tahimik nila kapag nagkaklase.” sabi pa ni Kevin.

wow. buti pa tong mga to yun ang napapansin. samantalang ako, nakafocus ang isip sa pagpapahirap sa buhay ni Sophie Gonzaga hahahahahaha and speaking of which, hindi nga pala kami magkikita bukas.

“hoy, mga kamote. nakalimutan niyo bang may game bukas? hindi tayo makakapasok sa klase natin dun.” paalala ko.

“ay sh*t!”
“oo nga pala!”
“nakalimutan ko!”
sabay-sabay nilang sabi.

“umayos kayo. mainit dugo ni coach mamaya sa practice. dapat manalo tayo bukas sa game.”

“yes, captain!” sabi ni Kevin at humarap na rin sa board dahil dumating na ang prof namin.

nagpatuloy na ang mga klase namin. mabilis lang din ang palit ng mga subjects. lipat ng classroom every after hour. and study mode again. we are also students. hindi kami nabubuhay na puro basketball lang ang nasa isip. We also have other things on our plate. We have to maintain our grades, not only to keep the scholarship, but also to be able to keep playing for the Thomasian community.  Above everything else, we’re in school to realize our dreams. We are lucky to have been able to pursue our dreams and practice our passion both at the same time.

Nang last subject na, bigla namang sabi ng president ng klase na wala raw pala ang prof kaya free na kami. tss. di pa sinabi nang maaga e. tumayo na kami para makaalis na.

Nang lumabas kami ng building, hindi rin namin alam kung saan kami tatambay muna tutal may 2 hours pa naman before practice.

THE KING TIGER AND HIS TIGRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon