GAME 15: ANTAGONISTIC

3.3K 22 3
                                    

GAME 15: ANTAGONISTIC

*RAFFY

“Grabe naman mga kaibigan natin! iniwan tayong dateless!” reklamo ni Sandy.

since kaming dalawa na lang din naman ang natira, nagdinner na lang din kami with ever sanggang-dikit niyang si Rikku na for some reason e kanina pa nasa CR.

“oy, hindi ka naman dateless. anong tawag mo kay--“

“sige, subukan mong ituloy yan!” tinutukan niya na ako ng bread knife na hawak niya.

adik neto haha asar-talo. “oo na. oo na. joke lang. eto talaga. nasaan na nga kasi yung si Rikku?”

“nako, baka nilamon ng kubeta. hayaan mo siya. sakit sa ulo nun!” at nagpatuloy na kumain si Sandy.

“uy, behave naman siya ngayon. tahimik niya nga e.”

“hintayin mong gumaling lahat ng basag sa mukha nun.” sabi ni Sandy.

we just ate. we decided kasi sa Rob Mag na lang kami magdinner e. I brought my car with me e. so carpooling ang drama tsk.

hindi naman nagtagal, Rikku joined us na rin.

“uy, bakit ang tagal mo?” tanong ko sa kanya. “ginamot mo ba yang mga sugat mo?”

“hindi. kagagamot lang neto kanina sa health service e.” sabi niya habang naghahanda sa pagbalik sa pagkain niya.

“eh ano pala?” tanong ni Sandy.

“hinanap ko yung flush.” sabi ni Rikku.

“ay gaga! ang gaga mo talaga!!” binatukan na naman ni Sandy si Rikku.

“ano ba?! makapambatok ka naman, Sandoval!!”

“bakit ka naghanap ng flush?!! automatic yung mga toilet bowl!! kusang nagfaflush yung mga yun!”

“ay ganun ba?!!! kaya pala wala akong nahanap! grabe, ang tagal kong naghanap!”

“eh bakit ka naman kasi sa toilet bowl gumamit?” tanong ni Sandy.

“duh. san ka naman nakakita ng babaeng nagpee nang nakatayo? common sense nga!” sabi ni Rikku na feeling genius na.

“at kelan ka pa naging babae?!!”

“since birth!”

toinks (_ _”) bakit ko nga ba kasi naisipang isama sa dinner tong mga to? nakupo naman. ampupu yan o. hinayaan ko silang mag-away. kung anu-ano lang naman naiisip nilang pag-awayan e. tss. I’m busy on surviving this meal.

“ay pero teka, nasaan pala si Tamy?” tanong ni Rikku.

“si Tony? may date.” sagot ni Sandy. “sinundo siya e.”

“taray!! haba ng hair!!”

“guys, bilisan niyo kumain. daan tayo ng National Bookstore.” sabi ko.

girls.” pagtatama sa akin ni Rikku. “Randy, girls kami hindi guys.”

Randy? O.o ako?!! tadyakan ko kaya to?! nakakapang-init ng ulo. (_ _”)

“on second thought, maiwan ko na pala kayo. ako na lang ang pupunta.” sakit na sa ulo kasama e. tsk.

THE KING TIGER AND HIS TIGRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon