GAME 16: RECOMMENCE

3.1K 20 9
                                    

GAME 16: RECOMMENCE

*JERICTENG16

 

 

 

 

“oh, Jeric, ginabi ka ata?” salubong sa akin ni mommy.

lumapit ako at nagkiss at bumati sa kanila ni daddy.

“wala namang practice, di ba?” tanong ni dad.

“wala naman po.” pakiramdam ko sobrang pagod ko na. “nagkayayaan lang ang team na kumain sa greenhills.”

“oh, e bakit parang pagod na pagod ka pa ata?” tanong ni daddy.

“long day.” simpleng sagot ko. ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod. “sige po, goodnight po. akyat na ko.”

umakyat na ako. parang ang sakit tuloy ng katawan ko. buti na lang di nakita nila mommy at daddy tong kamay kong medyo maga pa. tss. lagot naman ako kapag nalamang nanapak ako.

pagpasok ko sa kwarto.. wow. ang linis. nag-ayos na naman si Jeron! ayos talaga tong kapatid ko.

“wow. ang ayos na naman ng kwarto ko.” totoo naman. una tong naging akin e. :D

“uy, grabe! kwarto mo lang talaga, kuya?!”

pabago-bago ng tawag tong taong to. kuya, ahia. mabuti nasanay na ko. -_-“ mukhang may kailangan ata to sa akin a. naglinis ng kwarto tapos kuya ang tawag sa akin.

nagshower at nagbihis na rin muna ako bago humiga na rin sa kama kasama si Jeron. sa laki naming to, buti nagkakasya kami neto. palaki pa naman nang palaki lalo tong si Jeron -_-“ malalakihan pa ko neto e.

“kuya, ba’t parang pagod na pagod ka?”

“nakakakilabot yang tono ng pananalita mo, Jeron. anong kailangan mo sa akin?” tanong ko nang nakapakit na.

“ha?” gulat na gulat na tanong niya. paobvious. sus. “kuya naman! nagtatanong lang e! siyempre kapatid kita kaya concerned ako sa’yo.”

“style mo bulok, Jeron. diretsahan na.”

pero natahimik siya. nang tignan ko, naglalaptop lang siya pero halatang may iniisip na malalim. at mukhang may hinahanap sa twitter.

“bro.” tawag ko sa kanya. “ano na?”

“ah eh.. kuya..”

napaupo ako. kakaiba tong si Jeron ngayon. nahihiya e. upakan ko to e, mukhang nababakla na e!

“ano na nga?!” nakakaatat na e!

“si Raffy..”

nagulat naman ako kaya napataas ang isang kilay ko. “si Raffy? o anong meron kay Raffy?”

“may number ka niya?”

“popormahan mo?” hula lang.

“hala, asa, ahia! di ah! may utang sa akin yun kanina!” tapos umiwas na siya ng tingin. pahalata talaga tong taong to tsk.

THE KING TIGER AND HIS TIGRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon