GAME 5: WORRY

3.7K 31 6
                                    

GAME 5: WORRY

*SOPHIE’s PoV

 

 

Next to waiting, the thing that I hate the most is staying up late. Yes, I despise staying up late because that means I won’t have enough rest. At kagabi, nagsanib pwersa ang dalawang pinakaayaw kong mga bagay sa mundo. I waited for two freaking hours for nothing at nagpuyat pa ako para matapos yung lintek na report na yun. Kaya walang loloko-loko sa akin ngayong araw kung ayaw masampolan ng bagsik ng pagkataray ko (_ _++++)

“oh, Sophie, natulog ka ba?” tanong ng mama ko when I joined them for breakfast.

“2 hours lang ma. kinailangan ko kasing tapusin yung report namin.”

“oh, eh anong nangyari? akala ko ba partner mo si Raffy, bakit ikaw lang ang gumawa?”

ha? sinabi ko bang partner ko si Raffy? di ko naman ata maalala?

“oo nga. sabi ng papa mo, hinatid ka raw ni Raffy nung isang gabi. bago na naman nga raw ang sasakyan niya.” sabi ni mama.

“ahhhhh.” naalala ko na -_- “eh, wala kasing internet si Raffy sa condo niya ngayon. tinotopak daw yung connection nila.” paliwanag ko naman -_-

di na rin sila nagtanong after that kaya nakakain kaming lahat nang matiwasay. pero dahil badtrip yung sipon ko, tulo nang tulo, humingi muna ako kay yaya ng gamot para sa sipon.

“nako, magkakasakit ka ata niyan, Sophie.” nag-aalalang sabi ni yaya.

“tss. allergic rhinitis lang to, yaya. di ka na nasanay.”

“eh di ba basa yung uniform mo kagabi nung umuwi ka? baka dahil naulanan ka, magkasakit ka?” tanong niya pa.

“hindi naman ako nadrench sa ulan, yaya. nakapayong pa rin ako. nabiktima lang nang malakas na hangin yung palda at sapatos ko.”

“sigurado ka niyan, Sophie?” seryosong tanong na ni mama.

“opo, mama. malakas naman resistensya ko e.”

“magbaon ka pa rin ng gamot sa school, Sophie. mabuti nang sigurado.” paalala ni papa.

“opo.” tumayo na ako. “Stanley, sasabay ka ba sa akin ngayon o kila papa ka makikisabay?” tanong ko sa kapatid ko.

“ah, sabay na ako sa’yo, ate.” sagot niya naman. parehas kasi ang oras ng pasok namin tuwing Wednesday.

“oo nga pala, Sophie, wala kami simula sa Friday ng papa niyo. ikaw muna ang maghahatid kila Stanley at Sydney.” sabi ni mama.

“ha? saan kayo pupunta, mama?” tanong ni Sydney.

“may business trip lang sa Cebu. babalik din kami kaagad. we won’t even be there for a week.” sabi ni papa.

I just shrugged at nag-ayos na ako for school. ugh. ang bigat talaga ng batok ko dahil sa sipon at dahil sa puyat. nakakainis! -_-

“Stanley, tara na.” sabi ko sa kanya nang palabas na ko. “una na po kami, ma, pa.” paalam ko at naggoodbye kiss na sa kanila dahil na sa sasakyan na sila.

“ingat sa pagdadrive.” paalala nila.

“bye-bye, ate.” nakangiti pang nagpaalam ang high school kong kapatid na si Sydney.

THE KING TIGER AND HIS TIGRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon