Chapter 33: Sembreak

459 18 0
                                    

Tristan's Pov

"Last stop, Febb's house" sabi ko kaya bumaba na si Kenneth at ang mga girls para sunduin siya sa loob.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang mga ito. Napa-pogi points pa nga si Kenneth sa Dad ni Febb, besides close naman yung dalawa.

"Ano, ready na kayo? Wala ng nakalimutan?" Tanong ko.

"Ready!" Sabay nilang sabi. Halatang excited ang mga to.

"Drive ka na!" Utos ni Elsa.

"Relax babe" sabi ko and started the engine.

After an hour ay pumalit si Nate sa pagdrive dahil pagod ako. Tumabi ako kay Elsa na natutulog at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Tss, matutulog lang pala" sabi ni Nate tsaka nagsimula ng magdrive.

Ng makarating na kami sa Tagaytay ay ginising ko na lahat.

"We're here!" Sabi ko.

"The long wait is over" sabi ni Febb.

"Breeze, here I come" sabi ni Bianca at dali-daling bumaba ng van.

"Kyaaaah!" Sigaw ni Gaily at nagstretching pa.

"Hay salamat" buntong hininga ni Kenneth.

Pumunta kami sa loob para mag-check in, wala naman Beach dito eh pero may pool, sinabi kong resort pero never kong sinabi ang beach resort.

"Good morning maam, sir" sabi nung babae.

"Uhm, we'll rent two houses near that mountain" sabi ni Elsa ng ituro yung mga bahay, hindi naman ganun kalaki yung bahay.

"Right away maam, enjoy your stay!" Sabi nung babae at binigay ang susi kay Elsa.

Ng makarating na kami sa mga tutuluyan namin ay naghiwalay kami, sa kabila ang mga babae at sa other side naman kami.

Gaily's Pov

"Ano tara?" Tanong ko sa kanila Febb. Excited na akong magbihis dahil magswiswimming raw kami.

"Akala ko pa naman may beach" sabi ni Elsa tsaka nagpout.

Maraming activities ang gagawin namin ngayon. Magzizipline at ewan kung kung ano pang tawag dun sa mga obstacles na pupuntahan namin.

"Lets go!" Sabi nila. Kasabay naman lumabas ang boys sa kabila at dumiretso na kami sa obstacles.

"Ready?" Tanong nila Tristan.

"Of course, kanina pa nga eh" sabi ni Elsa.

Ng makarating na kami sa mga obstacles ay pinasuot muna kami ng mga safety belts at itatali kami dun sa one line para hindi kami tuluyang mahulog sa ibaba.

Umuna si Elsa kasunod niya si Tristan then si Bianca at John, Sumunod sila Febb at Kenneth. Then lastly kami ni Nate.

"Careful love" sabi niya ng humakbang ako papalayo. Hindi naman kami ganun kalayo sa isa't-isa.

Bawat obstacles ay huminto muna kami dahil sa picture! Hehe may inatasan si Elsa kumuha ng photos, lalong-lalo na yung Candid.

"Waaaaaaah!" Rinig kong sigaw ni Tristan dahil muntik na siyang mahulog pero buti nalang at nakatali pa siya.

"Bakla!" Sigaw ni Elsa sa di kalayuan.

"Hahahaha" rinig kong tawa ng mga lalaki haha nakakatawa naman kasi yung itsura ni Tristan, wait til I see those photos hahaha sigurado akong nakunan yun ni Kuya.

"Kyaaaaaaaah!" Sabi ko dahil nagzizipline na kami.

"Kahit ganun ka grabe ang inakyat natin ay mas masaya ang ending kasi mahaba yung zipline!" Sabi ni Tristan.

"Naman!" Sang-ayon ni Elsa.

Third Person's Pov

Matapos ang mahabang araw ay napagpasyahan na nilang bumalik sa resthouse nila.

"Guys, kami na magluluto ng hapunan then sabay tayong kakain sa veranda namin dahil nice ang view doon tapos chill" sabi ni Elsa. Sumang-ayon naman ang lahat sa naging desicion at sinimulan na ang pagluluto.

"Alam niyo, ngayon lang tayo sama-samang nagkaboyfriend tapos akalain niyo yun, naging kaaway natin sila pero ngayon naging kasintahan na" sabi ni Febb.

"Wow Febb, akala ko ikaw ay woman of short words hahaha" sabi ni Gaily.

"Sana ganito nalang, sana walang hahadlang sa kasayahan natin" sabi ni Bianca.

Muli nilang tinuon ang pansin sa pagluluto. Sa kabilang banda naman yung boys na sobrang chill lang talaga.

"Alam niyo, napaka-boring naman kung wala tayong gagawin" sabi ni Kenneth.

"Why don't we help the girls prepare the table" sabi ni Nate.

"Naman, sinabi ni Elsa chill lang tayo" sabi ni Tirstan.

"Sige, ikaw nalang mag-isa rito" sabi ni John at umalis na ang tatlo papunta sa kabila.

"Hoy! Hindi ako magsasalita ng tapos!" Sabi ni Tristan at pumunta na rin sa kabila.

Ng matapos lahat ay nagsi-upo na ang mga ito at nagdasal bago kumain.

"Alam niyo guys, sana ganito tayo kasaya, walang hahadlang sa ating samahan okay?" Sabi ni Elsa.

"Sang-ayon ako sayo babe,kahit tumaba ka pa, hindi ako titingin sa iba na mas sexy pa sayo" sabi ni Tristan bago sumubo.

"FYI never pa akong tumaba" sabi ni Elsa.

"Pero bakit kitang-kita ko na ang double chin mo?" Tanong ni Tristan. He was just trying to tease her.

"Ano! Gaily meron ba?" Tanobg ni Elsa sa kaibigan.

"Konti" sabi ni Gaily. "Joke lang" bawi niya.

"Ikaw talaga ang hilig mong asarin ako1!" Hinampas niya sa balikat si Tristan.

"Babe naman!"

Buong gabi ay wala silang ibang ginawa kundi ang mag-asaran, tawanan at kumuha sila ng maraming letrato.

Everything was happy that night. Everything was in destiny path for now.

"Kinalumutan na nila ako dahil sa kanilang masayang buhay? Pwes, magpakasaya muna kayo, lalong-lalo ka na Kenneth. Lubus-lubusin mo muna ang saya mo ngayon dahil babawiin ko siya sayo"

Author:
Grrr! Thirty plus chapters pa talaga hahaha. And I find it new to reread. And ngayon ko lang narealize na mukhang madalian ang lahat. Lets just say, I want something new for them. Nyahahaha.

Clash of Academy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon