Chapter 2

11 1 0
                                        


~Seira's POV~

"Manang Linda pakilagay nalang ho nung gamit ko sa kwarto, salamat" Sa wakas nakarating na rin ako sa bahay. Makakapag relax na ako ng maayos. Humiga ako sa sofa at iidlip na sana ako ng tawagin ako ni manang...



"Kumain ka muna iha, pinaghain kita ng paborito mong meryenda" napatayo naman ako sa kinauupuan ko para tignan ang niluto ni manang..



"Wow! Thank you manang the best ka talaga!" ^o^ ang paborito kong carbonara! At dahil burger lang naman ang kinain ko kanina, kakain ako ulit. mwahaha.



Teka ngaaa, burger? burger? o.O O.o -.0 O_O



yung lalaki kanina, sino naman kaya yung mokong na yun. Naalala ko nanaman ang kahihiyan ko kanina. Hay! >.<


"Seira? Iha? Tulala ka jan, hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" nagtataka nyang tanong sakin.


"Ay hindi po manang may iniisip lang ho ako" sabay subo ng carbonara..


"Kamusta nga pala ang unang araw mo sa eskwela iha? Tumawag nga pala ang mommy mo kanina para kamustahin ka"


Oo nga pala, nasa states ang mom and dad ko, dun kasi nagtatrabaho si dad and they're working together kasi sariling business namin yun. Hindi naman kami sobrang yaman, sakto lang para mapagtapos ako ng pag aaral at sunod sa luho. Dejk lang, simpleng may kaya..yun ako.



"Ayos naman po manang, may isang kaibigan na ko..Si Alexa, schoolmate ko po siya nung high school pa kami" proud na ko sa isa, achievement na yun kaysa naman sa wala. *-* dba? haha


"Mabuti yan iha" sambit nya..


"Salamat po pala manang sa meryenda. The best cook po talaga kayo! Mauna na po ako" natawa naman siya sa sinabi ko at tumayo na rin ako para umakyat ng kwarto.



Naghilamos at nagpalit na ako ng damit ko at humiga na ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at naalala ko si Alexa... di ko nga pala nakuha number nya.. how stupid of me. Hayy wala akong magawa at makausap. Hindi ko naman na kasi matatawagan ang mom and dad ko kasi midnight na dun at ayokong makaistorbo sa pagtulog nila.



"Iha? bangon na" Nagising ako sa paulit ulit na tawag ni manang sa may pinto... -_-


-.O anong oras na ba O_O alas syete palang ng umaga..


"Manang gising na ho"


"Nakong bata ka, mal'late ka nyan sa school"


"College na po ako manang parang awa mo na" mula high school si manang na ang nagmistulang alarm clock ko tuwing papasok ako ng school. O'dba high tech? di ko na kaylangan pang magset dahil nandyan naman sya. haha makabangon na nga lang oh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush and CrashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon