"Ano ba nangyari dude? Natakot kami nung bata."
"Naghahabulan kami ni Jaiiron,kinapos ako ng paghakbang. Ayon nahulog ako. But Im okay now." nakangiting sagot ni Gero sakin habang nakahiga sa kama dito sa ospital.
"Sa susunod,huwag na sa hagdan maghabulan dude. Buti nga at napilit ni Nichi pumasok sa school ang bata. Nag-iiyak kanina,hindi daw sya mag school. Gusto ka daw nyang bantayan." sabi ko. Ngumiti si Gero at ini-stretch ang dalawang mga kamay.
"Halika nga. Yakapin mo na lang ako,para mabilis akong gumaling." aniya. Napangiti na din ako at agad lumapit para yakapin sya.
"Huwag mo ng uulitin yon dude. Pinag alala at tinakot mo ako ng sobra. Ayaw kitang mawala sa akin. Mahal na mahal kita." sabi ko habang nakasubsob sa dibdib nya. Over acting man,pero sa palagay ko,hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa akin.
"Ikaw talaga. Mahal na mahal din kita. Basta nandyan ka,kahit madisgrasya pa ako,Im always okay." malambing nyang bulong. Gumapang ang kiliti sa katawan ko. Lalo ko diniin ang ulo ko sa dibdib nya. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso nya. Tulad sa akin.
"Siguraduhin mo yan ah? Kung hindi gulpi ka talaga sa akin dude,baka hindi mo alam,nag taekwando ako nung high school."
"Oo na. Hindi na,takot ko lang sa dude ko." aniya at tumawa. Biglang bumukas ang pinto kaya sabay naming nilingon ni Gero na hindi bumibitaw sa yakap. Gusto ko ang pakiramdam na yakap nya.
"Oopps! Im sorry!" ani kuya Kheem na halatang nagulat.
"May naglalabing-labing pala." nakangising sabi ni Ate Kikay.
"Bumalik na lang tayo,baka mabitin pa ang mga iyan eh." nanunuksong sabi ni Ate Brit. Nakaramdam ako ng matinding hiya. Ngayon lang ata nila kami nakitang ganito. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kaya agad din kaming kumalas sa yakap at umayos.
"Mga baliw! Bakit ngayon lang kayo pumunta? Nasan ang tatlong itlog?" natatawang sabi ni Gero.
"Busy sa trabaho,alam mo na,naghahanda sa future." sagot ni Ate Kikay habang nilalagay ang mga dala nitong prutas sa mesa. Sina Kuya Kheem at Ate Brit naman ay naupo sa sofa.
"Bakit? May mga girlfriend na ba sila?" takang tanong ni Gero at pasimpleng hinawakan ang kamay ko. Hindi na lang ako umimik.
"Wala pa. Pero searching pa din ang mga gago." si Kuya Kheem ang sumagot. "Oy Kayden,wala bang yakap sa kuya?" dugtong nito.
"Speaking of Kayden,how's school?." segunda ni Ate Brit. Si Ate Kikay naman ay lumapit kay Gero at nag usap sila.
Matapos ang manly hug namin ni Kuya Kheem ay sumagot na ako kay Ate Brit.
"Ayos naman ate,madami lang requirements,may thesis pa. Alam nyo na graduating." sagot ko at ngumiti.
"Hoy Kayden! Dapat nasa graduation mo kami ah? Bugbog ka sa akin pag hindi mo kami inimbita." biglang pagsingit ni Ate Kikay.
"Opo ate. Ilang buwan na lang naman ay graduate na ako."
Masaya ako sa mga kaibigan ni Gero. Tanggap talaga nila ako at hindi tinuring na iba. Masarap sa pakiramdam na para bang kaisa talaga nila ako at kapamilya.
-----
"Hoy! Gimik tayo mamaya! O kaya inuman tayo sa inyo!" bulalas ni Boom habang papunta kami sa next subject namin.
"Sige ba! Magpapa alam ako kay Mama at Papa. Nagtataka nga mga iyon,hindi na daw kayo masyadong napunta sa bahay." sagot ko naman.
"Cool yan! Miss ko na ang Redhorse na case by case! Nakaka sawa din yung pa barrel-barrel sa bar eh." pag sang ayon naman ni Mon.
BINABASA MO ANG
It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!
RomanceMUMU SA LIBRARY BOOK II - You must read first The book I. This is also KAYDEN's POV =)and its short. 10 chapters only. Enjoy!