NOTE # 5

4.6K 116 15
                                    

Mula ng araw na yon,parang lagi na akong balisa. Paano nga kung saktan ako ni Gero? Paano kung hindi nga kami magtagal? Pano kung isang araw gumising na lang syang wala na pala syang pagmamahal para sa akin? Anong gagawin ko? Paano na ako? Kakayanin ko ba?

Hindi! Sa loob ng tatlong buwan na magkasama kami ni Gero ramdam kong lalo ko syang minahal,mababaliw siguro ako pag naghiwalay kami. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Naka set na sa utak ko na sya ang makakasama ko sa pagtanda. Papatunayan ko kay Papa na magtatagal kami ni Gero. Papatunayan kong kahit ang pagmamahalan ng dalawang lalaki ay nagtatagal.

"Best?" pukaw sa akin ni Kiyuu.

"Oh bakit best? Dont tell me gusto mo ng bonding? Baka hindi na ako maka ipon para kay Gero." biro ko sa kanya,agad naman syang namula.

"Baliw,alam ko naman na ayaw mo na,baka may magawa na naman ako." nahihiya nitong sabi na ikinangiti ko.

"San ka natuto nun? Ako natutunan ko na lang kay Gero eh." ani ko. Wala lang,gusto ko lang malaman. "Hindi ko nga akalain na gagawin ko yon,kasi babae at bakla lang gumagawa nun."

"Ano,uhm pinapanood ko sa porn. Gusto ko lang maranasan,ganun. Kaya ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit madaming lalaki ang gusto din ang lalaki,hindi ko sila masisisi,ganun pala yun,ganun pala ginagawa ng mga babae at bakla." aniya. Napatingin ako sa gitna nya at bumukol na iyon ng sobra.

"Hahaha! Ang bilis mo pala tamaan! Sige na best,puntahan ko pa si Jaiiron at ihahatid sa kanila." ani ko at tumayo na,tinapik ko ang balikat nya at lumabas na ako ng classroom.

Kailan kaya gagawin sakin ni Gero yon? Masyado kasi syang lalaking lalaki eh. Ako nga pag nasa kama na kami nakakalimutan kong lalaki ako eh. Pero nagpapasalamat na din ako dahil hindi din nya ako naiisipang pasukin. Tama na yung sumubo ako,huwag ng ganon.

"Papa Kayden!" agad na sigaw ni Jaiiron ng makita ako. Tulad ng dati,sinalubong ko sya ng yakap at halik. "Punta na po tayo kay Papa Kaiicen ko?"

"Ay! Oo nga pala,daan muna tayo dun bago umuwi,nag promise nga pala ako sayo." nakangiti kong sabi habang karga sya. Naglalakad na ako papuntang parking,hiniram ko kasi kay Papa ang kotse,ayaw pa ako payagan pero pinangako ko naman na mag iingat ako.

Habang nasa daan ay excited na excited ang bata,ganon nya ka miss si Kaiicen,pano pa kaya si Gero?.

Nang makarating kami doon ay sa labas lang kami ng museleo,wala naman kasi akong duplicate key. Hinayaan ko lang si Jaiiron na kausapin ang puntod ni Kaiicen,kinekwento nya dito yung mga nangyayari sa school.

Nagtext na si Gero kaya niyaya ko ng umuwi si Jaiiron. Hindi naman na nagmatigas ang bata,nagpaalam lang sya sa puntod at dumiretso agad sa kotse kaya agad akong pumasok.

"Gugutom na ako Papa Kayden." anito na ikinangisi ko.

"Sige,uwi na tayo,baka nakapag luto na ng pancake ang papa mo."

-----

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpaalam ako kina Mama at Papa na isang linggo muna ako kay Gero. Pumayag naman sila,ewan,gusto ko lang araw araw na makasama sya. Gusto ko lang iparamdam sa kanya ang aking pagmamahal.

Ikatlong araw ko na kina Gero,gabi na nandito kami sa lanai ng bahay nya,tamang pahangin lang,katatapos lang namin patulugin si Jaiiron.

"Kamusta ang pag aaral dude?" pagbasag nya sa katahimikan namin.

"Ayos naman,hindi naman mahirap." nakangiti kong sagot. Nakatingin lang sya sa kawalan at parang may malalim na iniisip. Pati ako tuloy napaisip kung ano ang iniisip nya.

"Ilang taon ka na ulit?"

"Nineteen dude,bakit mo natanong?"

"Wala lang,ako twenty eight na. Bata ka pa,madami ka pang pwedeng makilala."

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon