NOTE # 7

4.2K 115 5
                                    

"Maningil? Hindi kita maintindihan." naguguluhan kong sabi. Ngumisi yung lalaki kaya napaurong sa akin si Mariah.

"Huwag ka ng magkunwaring alam. Ngayon na ang oras para maningil!" singhal nung lalaki na ikinagulat ko.

"Bro! Kayden! Mariah!" boses ni Boom.

"Pasalamat ka sa ngayon. Pero sisingilin pa din kita." galit na sabi nito saka umalis.

"K-kayden,sino yon?" ang takot na sabi ni Mariah.

"Ewan. Hindi ko sya kilala." ang naguguluhan ko ding sagot. Pamilyar sa akin yung lalaki pero hindi ko talaga sya kilala. Sino siya?.

"Bro! May problema ba? Sino yung kausap nyo?" ani Boom ng makalapit.

"Wala,nagtanong lang." sagot ko.

"Nagtanong lang? Eh bakit namumutla si Mariah?" anito na tiningnan pa si Mariah.

"H-huh? Wala to. May desminorhea lang ako. Alam nyo na." ang palusot ni Mariah.

"Oo nga. Kaya sinabayan ko sya sa paglalakad." ang pag gatong ko naman.

"Sigurado kayo? By the way,inom tayo sa bahay. Yung iba nakauwi na para magpalit lang ng damit." ani Boom.

"Ganon ba? Sige,magpapa alam na din muna ako kina Papa." sagot ko.

"You need that bro,para hindi ka laging nag iisip." sabi pa ni Boom. Nagkibit balikat na lamang ako.

-----

Lasing na lasing ako kaya ako ang unang bumagsak. Hinatid ako ni Boom sa kwarto nya. Pagkalapat pa lang ng katawan ko sa kama nya ay nakatulog na ako. Naalimpungatan na lang ako na parang may naririnig akong nag uusap. Nagkunwari akong tulog pa din para hindi nila mahalata.

"What do you mean Mariah?" ang parang gulat na boses ni Boom. "Alam na ba ito ng iba?"

"No,wala silang idea. I really think na mas kailangan nating bantayan si Kayden,I can sense na may masamang gagawin yung lalaki kanina." sagot ni Mariah. Ang ibig sabihin pala natunugan din ni Mariah yung lalaki?

"Bilib din ako sayo eh. Hindi nasusuklian ni Kayden yung pagmamahal mo pero heto ka at handa syang protektahan."

"Because,I love him that much,kahit man lang sa ganitong paraan makabawi ako sa mga maling pagpapakita ko ng pagmamahal sa kanya noon."

"Thats my girl! Sige magtulungan tayo. Ano ba yung sinabi nung lalaki? Tsk,parang nakaka bahala ito,kung kailan wala si kuya Gero saka nagkaganito." ani Boom saka bumuntong hininga. Gusto ko sanang bumangon at makisali sa kanila pero minabuti ko na lang ang pagkukunwaring tulog.

"Sisingilin daw nya si Kayden,at pamilyar sya sa akin kaya natakot ako. Tama ka,hanggang sa bumalik si kuya Gero dapat safe si Kayden,isang beses ng nanganib ang buhay nya at hindi na dapat maulit pa."

"Nanganganib ang buhay ni best?" boses ni Kiyuu mula sa bumukas na pinto.

"Kiyuu! Huwag kang maingay baka magising sya." pagsuway dito ni Boom.

"Oo,kaya kailangan mag ingat tayo at huwag nating pabayaang mag isa sya." ang sagot naman ni Mariah. Gustong gusto ko na talagang sumali sa usapan.

"Kung ganon,handa akong protektahan sya kahit anong mangyari. Ipapakita ko kung gaano ko sya kamahal." sabi ni Kiyuu.

"The hell? Mahal mo din si Kayden?" gulat na sabi ni Boom. "Anong nangyari? Bakit?"

"Teka lang. Lumalakas na ang boses nyo. Huwag tayo mag usap ng ganyan dito." pagsingit ni Mariah. At kasunod nun ay mga yabag ng mga paa nila papalabas ng kwarto ni Boom.

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon